“Ayon sa pagtatapat sa akin ni Rene, marami siyang nainom. Hindi naman daw siya umiinom pero bakit sa pagkakataong iyon na kaharap niya si Kathy ay nagsunud-sunod daw ang pagtungga niya sa iniaabot ni Kathy. Hanggang sa umikot na raw ang paligid niya. Unang pagkakataon daw na nalasing siya, sabi ni Rene. Ibang klaseng alak daw ang ininom nila…’’ pagkukuwento ni Manang Rose na bakas pa rin sa boses ang matinding sugat ng nakaraan nila ng dating nobyo na si Rene.
“Umiyak sa harapan ko si Rene dahil sa matinding pagsisisi. Kung hindi raw siya pumayag na makipag-inuman kay Kathy ay hindi mangyayari ang lahat. Siya rin daw ang may kasalanan. Naging mahina raw siya.
“Pagkukuwento ni Rene, makaraang mag-inuman ay sa kama na sila ni Kathy, humantong. Nagtataka siya kung bakit hubu’t hubad agad si Kathy na para bang inaasahan na niya ang lahat. Para bang planado ang mga galaw ni Kathy.
“Hanggang sa kapwa na sila hubad. Masyado raw mainit at mapusok si Kathy. Hanggang sa magbaga na rin ang kanyang damdamin at nagtalik na sila ni Kathy…’’
Tumigil si Manang Rose sa pagkukuwento. Humikbi. Hanggang sa tumulo muli ang luha.
(Itutuloy)