1. Paano ninyo makukumbinse ang mga kabataan na ang edukasyon ay susi sa tagumpay kung napapaligiran tayo ng mahihirap at jobless na graduates at mayayamang kriminal?
2. Kung naging Chinese sina Eba at Adan sana ay walang magiging kontrabida sa paraiso dahil ahas muna ang kakainin nila bago ang mansanas.
3. May katotohanan na kahit minamahal ka ng iyong asawa ay maaari ka pa rin pagtaksilan. Tingnan mo ang Diyos, minamahal mo siya pero gumagawa ka pa rin ng kasalanang ikakalungkot niya.
4. Mas mabuti pang nasa bar ka at painum-inom habang iniisip mo ang Diyos kaysa nasa loob ka ng simbahan pero ang nasa isip mo ay kung ilang bote ng beer ang iyong tutunggain pag-uwi sa bahay.
5. Ang paghalik sa iyo ng isang tao ay hindi pruweba na mahal ka niya. Tingnan mo ang nangyari matapos na halikan ni Judas si Jesus.
6. Hindi na importante kung mas maganda ka, mas matino, or mas maganda ang family background, kumpara sa kasalukuyang ‘girlfriend’ ng iyong ex-boyfriend. Naroon pa rin ang masakit na katotohanang ipinagpalit ka na niya sa mas mababa sa iyo.
7. Noon: Pinakain ni Hesus ang nagugutom na mahihirap. Ngayon: Pinayayaman ng mga nagugutom na mahihirap ang mga self-proclaimed Prophet (tagaturo at tagakalat ng salita ng Diyos) na nagtatayo ng sariling relihiyon.