^

Punto Mo

Nagugutom ako at pinainom mo ng gatas

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

TAON 1980. Tagaktak ang pawis ng binatang nag-aalok ng encyclopedia sa mga maybahay ng sosyal na subdivision. Pag­bebenta ng encyclopedia at iba’t ibang international magazine ang ikinabubuhay ng binata. Dito rin kinukuha ng binata ang ipinangtu-tuition niya sa kolehiyo.

Tanghaling tapat noon at nakaramdam ng gutom ang binata pero ang pera niya ay pamasahe na lang pauwi sa kanilang bahay. Habang kinakausap niya ang isang ginang na inaalok niya ng kanyang produkto ay walang tigil ang pagkulo ng kanyang tiyan. Naalaala niyang pandesal nga lang pala ang kanyang inalmusal at isang tasang kape kaya halos manginig-nginig ang kanyang kalamnan sa tindi ng gutom na nararamdaman.

Pinagpawisan siya ng malamig kaya panay ang pahid niya ng pawis. Parang gusto niyang himatayin sa sobrang gutom. Tatapusin na lamang niya ang pakikipag-usap sa ginang at uuwi na siya para doon magtanghalian sa kanilang bahay. Ngunit kailangan niyang uminom ng tubig para tumagal pa ang kanyang energy hanggang sa makauwi. “Mam, puwede hong makiinom ng tubig?”

Pumasok ang ginang sa loob ng bahay at pagbalik ay may dala itong tubig at fresh milk na nasa brick pack. Malakas ang kutob ng ginang na nagugutom ang binata kaya hindi mapakali. “Inumin mo na ‘yang gatas, mabuti ‘yan sa nanghahapding sikmura.”  Pakiramdam ng binata matapos ubusin ang gatas ay nagkaroon siya ng panibagong lakas at kakaibang sigla.

Hindi lang gatas ang grasyang nakuha ng binata nang araw na iyon kundi ang pag-order ng isang set ng encyclopedia ng mabait na ginang. Halos luhuran ng binata ang kaharap na ginang sa sobrang pasasalamat.

Taon 2005. Nagsagawa ng medical mission ang ginang para sa mga malnourished children. Nagulat siya nang may nagpadala sa kanya ng isang trak na de latang gatas upang ipamigay sa mga bata. Bago mangyari iyon ay nagpadala ng sulat ang ginang sa lahat ng kompanyang nagma-manufacture ng de latang gatas para maging sponsor sa kanyang proyekto. Nagpakilala ang nagbigay ng isang trak na gatas. Yes, siya ang binatang pinainom niya noon ng gatas na nagkataong naging EVP (Executive Vice President) ng kompanya ng gatas na sinulatan ng ginang. Gustong maiyak ng ginang sa sobrang saya. Akalain ba niyang magbunga ng isang trak na gatas ang isang brick pack na ipinainom niya sa ahente ng encyclopedia.

vuukle comment

MILK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with