Isang distillery na nakabase sa England ang pinag-uusapan ngayon ng mga horror fans dahil sa nakakapanindig balahibo nilang red wine na tininggal sa loob ng kabaong at ibinaon sa isang sementeryo!
Inanunsyo kamakailan ng wine brand na 19 Crimes ang pinakabago nilang red wine na tinaguriang “World’s First Coffin-Aged Wine”.
Ayon sa spokesperson ng kompanya, inilagay nila ang 100 bote ng red wine sa loob ng isang kabaong na gawa sa kahoy na oak. Ibinaon nila ang kabaong sa Tower Hamlets Cemetery, isang lumang Victorian cemetery sa London.
Bago hukayin muli ang kabaong, may pari na kasama ang mga tagapaghukay upang siguraduhin na ang mga alak lang ang maibabalik mula sa hukay.
Ilang paranormal experts ang bumatikos sa wine at nagbabala na maaaring may masamang espiritu na ang bawat bote nito.
Sa kasalukuyan, pinapa-taste test ito ng 19 Crimes sa mga horror fans sa iba’t ibang lokasyon sa United Kingdom ngunit wala pang balita kung ibebenta ba nila ito sa publiko.