Beauty tips mula sa ibang bansa

1. Sa England nagmula ‘yung pinapalamig muna ang tea bag sa freezer bago ipatong sa mata upang matanggal ang eyebag.

2. Sa Greece nagmula ang pagba-body scrub gamit ang olive oil at sugar mixture.

3. Sa Poland ginaya ang pagpapahid ng honey sa lips upang maging soft at kissable ito.

4. Sa Spain o Italy, iminamasahe nila sa mukha ang fresh grape juice na may kahalong honey. Tapos babanlawan ang mukha ng malamig na tubig.

5. Sa Singapore ginaya ang pagmasahe ng dinurog na hinog na papaya sa mukha.

6. Ang mga Koreans ay gumagamit ng virgin coconut oil para imasahe sa mukha sa loob ng 4 minuto. Tanggalin ang oil sa pamamagitan ng paghilamos gamit ang foaming cleanser. Maligamgam na tubig ang ipangbanlaw.

7. Ang mga lola sa Columbia ay gumagamit ng mga sumusunod upang imasahe sa anit: 2  eggwhites + kalahating avocado na dinurog ng tinidor. Hayaang nakababad sa ulo ng 15 minutes. Banlawan at lagyan ng conditioner.

8. Sa Guyana, naniniwala sila na ang pagkain ng sardinas ay nakakakintab ng buhok at nagpapabilis ng paghaba dahil sa taglay nitong omega 3 fatty acid. Ang Guyana ay nasa Caribbean coast at bahagi ng South America.

9. Ang ginagawa ng Mexico upang mabawasan ang sobrang pagkulot ng buhok: Ipinapahid nila ang mixture na ito sa kulot nilang buhok upang maiwasan ang tangles –  1 Kutsarang powder unflavored gelatine + 1 cup water + 1 kutsaritang cider vinegar. Imasahe ang mixture sa anit. Ibabad sa ulo sa loob ng limang minuto. Banlawan ng tubig.

10. Sa panahon ng tag-ulan sa Ireland, ang ipinangbabanlaw nila sa buhok matapos mag-shampoo ay tubig-ulan. Nakakakintab ito ng buhok.

Show comments