^

Punto Mo

Pang-iinsulto sa nagbabalatkayong ‘joke’  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

KUMALAT ang tsismis noong kasalukuyan pang nakaupo ang U.S. President na si Barack Obama. Nagsimula ang lahat sa interview ng 81 years old na komedyanang si Joan Rivers.

Ayon sa kanya, si Michelle Obama ay isang transgender. Komedyana ang nagsalita kaya alam ng lahat na iyon ay joke. Ipinalabas ito sa TV at pinik-ap ng talk show ni Alex Jones, ang The Alex Jones Show. Kahit alam niyang biro lang iyon, hinimay-himay niya ang sinabi ng matandang komedyana:

“Kahit imposibleng patunayan na tranny ang First Lady, hindi mapapasubalian na ang porma ng katawan nito ay mas bagay na panlalaki kaysa pambabae. Puwedeng totoo ang bintang na dati siyang lalaki. Mas bagay sa kanya na tawaging Michael kaysa Michelle.”

Hindi tumigil ang tsismis at sa halip ay nadagdagan pa. Kumuha raw ng surrogate mother para magbuntis kina Malia at Sasha. Kasi nga, lalaki si Michelle at hindi puwedeng magbuntis.

Habang lumalawak ang tsismis at nagmumukha nang totoo ang joke, may nagpayo kay Joan Rivers na humingi ito ng paumanhin sa First Family. Sa opinyon ng marami, “bastos” ang biro ng komedyana.

Ngunit tumanggi si Rivers, palusot niya: “Transgender people were some of the most beautiful in the world, so there was no reason for Obama to feel insulted.”

Makaraan ang dalawang buwan pagkatapos niyang magbiro tungkol sa First Lady, namatay si Joan Rivers pagkatapos  nitong sumailalim sa vocal cords surgery. Karma kaya ang nangyari? Sa dinami-dami ng parte ng katawan, vocal cords pa na ginagamit niya sa pagdyu-joke, ang naging dahilan ng kanyang kamatayan.

“People are quick to believe the bad things they hear about good people.”— Unknown

BARACK OBAMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with