^

Punto Mo

80-Anyos na lola sa Russia, natuklasang may karayom na nakabaon sa kanyang utak!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MATAPOS magpa-CT scan, nalaman ng isang 80-anyos na lola sa Sakhalin Region sa Russia na mayroong karayom na nakabaon sa kanyang utak!

Kamakailan, nilabas ng Sakhalin Ministry of Health ang mga CT scan results ng isang hindi pinangalanang pasyente kung saan makikita na may 3 cintemeters na karayom na nakabaon sa kaliwang bahagi ng utak nito.

May teorya ang Sakhalin Ministry of Health na ang karayom ay 80 taon ng nasa utak ng pasyente at posibleng mga magulang niya ang may kagagawan nito!

Ayon sa isang Russian historian, ang pagbabaon ng karayom sa fontanelle o bumbunan ng mga sanggol ay common na paraan ng infanticide noong World War II sa Russia. Taghirap at taggutom noon at mas pinipili na lang ng mga magulang na patayin ang kanilang mga sanggol.

Hindi malinaw kung paano naka-survive ang pasyente noong siya ay sanggol pa lamang. Isang malaking himala na walang kahit anong nagawang damage sa utak nito. Sa 80 taon na pamumuhay ng pasyente, bihira rin itong makaranas ng pananakit ng ulo. Kung hindi pa siya sumailalim sa CT scan, hindi pa malalaman na mayroon siyang karayom sa utak.

Sa ngayon, nagpasya ang mga doktor ng pasyente na huwag nang galawin ang karayom dahil mas magiging delikado pa kung tatanggalin ito.

UTAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with