Ang Sampung Utos ng Prayle

ISANG bahagi mula sa akdang Dasalan at Tuksuhan na sinulat ni Marcelo H. Del Pilar. Ang akdang naglalaman ng mga sarkastikong mensahe ay isang paraan noong araw  upang mailabas ng mga Pilipino ang kanilang galit sa mga abusadong paring Espanyol o prayle.

1. Sambahin mo ang Prayle nang higit sa lahat.

2. Huwag kang magpapahamak o manunuba ng Prayle.

3. Manalangin ka sa Prayle tuwing Linggo at araw ng piyesta.

4. Isanla mo ang iyong sarili sa mga Prayle, maipalibing mo lang ang iyong mga magulang. (Napakahalagang mabendisyunan ng pari ang bangkay bago ilibing. Kapag naamoy ng Prayle na kalaban ka ng gobyerno at simbahan, tatanggihan nila na bendisyunan ang iyong mahal sa buhay bilang ganti sa paglaban mo sa kanila. Kaya kailangang sumipsip sa kanila.)

5. Bawal mamatay kung wala kang salaping pampalibing. (Kailangang magbayad sa prayle upang bendisyunan at misahan ang namatay.)

6. Huwag kang makiapid sa kanyang asawa. (actually, girlfriend)

7. Huwag kang makinakaw. ( Sila lang ang may pribilehiyong magnakaw at mang-agaw ng ari-arian ng mga mayayamang Pinoy.)

8. Huwag mo silang pagbibintangan. (Kahit may katotohanan ang inaakusa sa kanila.)

9. Huwag mong ipagkakait ang iyong asawa. (Kapag nataypan ng prayle. Share your blessings. Ipapadukot din naman ang asawa mo kapag ipinagdamot mo.)

10.Huwag mong ipagdadamot ang iyong ari-arian. (Share your blessings ulit. Tutal wala ka namang magagawa kapag kinamkam nila ito.)

Show comments