^

Punto Mo

EDITORYAL - Dagdagan patrol boat ng PCG

Pang-masa
EDITORYAL - Dagdagan patrol boat ng PCG

KULANG sa equipment ang Philippine Coast Guard (PCG) katulad ng patrol boat na lubhang mahalaga para mabantayan ang mga teritoryo sa West Philippine Sea. Masyado nang agresibo ngayon ang China at ang ginagawa nilang paglalagay ng kung anu-anong barriers sa karagatang sakop ng Pilipinas ay hindi na maganda.

Pagkaraang tanggalin ng PCG ang mga floating barriers na inilagay ng China Coast Guard sa Scarborough Shoal, mga rubber boats naman ang iniharang sa Panatag Shoal. Inilagay ang mga ito para walang makapasok na mangingisdang Pinoys sa Panatag.

Ang mga rubber boats na ito ang ginagamit ng CCG para tugisin ang mga nagtatangkang pumasok sa Panatag. Ginagawa ang panggigipit na ito sa exclusive economic zone na sakop ng Pilipinas. Sa ginagawang ito ng China, lalo nang maaapektuhan ang kabuhayan ng mga mangingisda. Magugutom sila at kanilang pamilya hangga’t nasa Panatag Shoal ang mga rubber boats.

Ang paglalagay ng rubber boats ay binunyag ni Henrelito Empoc, spokesperson ng Bigkis ng mga Mangingisda Federation sa Masinloc, Zambales. Ayon kay Empoc, mas tumitindi ngayon ang pagbabantay ng Chinese vessels sa Panatag Shoal sapagkat nagkalipunpunan ang mga ito. Ayon kay Empoc, nakabantay lang ang mga China Coast Guard habang ang Chinese rubber boats ang nagpapatrulya sa lugar at pinagbabawalang makapangisda ang mga Pilipino sa lagoon.

Ayon pa kay Empoc, mabilis daw na sinusundan ng Chinese rubber boats ang mga mangingisda kapag nagtatangkang pumasok sa pangisdaang lagoon. Kaya walang magawa ang mga kawawang mangi­ngisda kundi ang lumayo na lamang. Nangangamba silang i-water canon o kaya ay banggain. Maraming beses nang tinangka nilang mangisda sa lagoon pero itinataboy sila ng CCG. Mas naging agresibo umano ngayon ang CCG at lahat ay gagawin para walang makapasok sa Panatag Shoal.

Pinagbabawalan ang mga Pilipino na maka­pangisda sa sariling pangisdaan. Napakasakit nito. Gustong solohin ng China ang paghango sa mga isda bagay na mala­king pagkakamali sapagkat iyon ay teritoryo ng Pilipinas.

Sa nangyayaring ito, nararapat nang magkaroon ang PCG ng mga patrol boat na magagamit sa pagbabantay sa mga teritoryong sakop ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, iilan lang ang barko ng PCG na ginagamit para magbantay at para mag-escort sa mga barkong magdadala ng supply sa mga sundalong naka-station sa BRP Sierra Madre.

Kailangan nang malaking halaga ng pera para mamodernisa ang PCG. Nararapat lang na ang PCG ang magkaroon ng intel at confidential funds at hindi ang mga tanggapan na walang papel sa seguridad ng bansa.

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with