^

Punto Mo

Unique home cures

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kumain ng yogurt para matanggal ang bad breath. Ang “live” microorganism na nasa yogurt ang papatay sa bacteria na sanhi ng bad breath. Doble ang benefits na makukuha sa yogurt: 1) pantanggal ng bad breath, 2) susugpuin pa nito ang osteoporosis. Sapat na ang one serving ng yogurt per day.

• Pagod na pagod ang iyong paa sa maghapong paglalakad? Umupo. Kumuha ng dalawang tennis or golf balls. Tapakan ng tig-isang paa ang ball at pagulungin ng talampakan. Puwedeng substitute ang glass bottle ng softdrinks.

• Hindi matanggal ang sinok? Isubo ang isang kutsaritang asukal (white, para pino at hindi makakahirin) at sa loob ng isang minuto ay mawawala na ito. Ang sinok ay dulot ng paghilab ng nerve muscle na nagkokontrol sa diaphragm. Ang paglunok ng asukal ay nakakatulong upang tumigil ang paghilab ng muscle.

• Makinig ng paborito mong music sa loob ng 30 minutes kada araw upang bumaba ang blood pressure. Ayon sa resulta ng pag-aaral na ginawa ng University of Florence Italy, bumababa ang systolic ng 3.2 points after one week  at 4.4 naman ang ibinaba after one month. Mga pasyenteng may alta presyon at araw-araw na umiinom ng gamot ang ginamit nila sa experiment.

• Tuyo at malutong na kuko. Pahiran ng cooking oil ang bawat kuko bago matulog. Balutin ang kamay ng plastic gloves upang hindi mapakuskos ang mantika sa bed sheet. Magdamag na mabababad ang kuko sa oil. Kung kuko sa paa, balutin ang paa ng plastic na angkop sa size ng iyong paa. Talian ng rubber band ang plastic upang hindi matanggal sa paa habang natutulog.

• Nakakalaki ng boobs ang pag-inom ng gatas at pagkain ng papaya. Gumawa ng masarap na shake gamit ang dalawang nabanggit. Tutunawin ng enzyme ng papaya ang protina mula sa gatas kaya mabilis itong masisipsip ng katawan, na ang magiging epekto ay lalaki ang pectoral muscle sa dibdib.

YOGURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with