^

Punto Mo

EDITORYAL - Inaabuso ang mga bata

Pang-masa
EDITORYAL - Inaabuso ang mga bata

Isinalang sa Senate hearing ang lider at mi­yembro ng Socorro Ba­yanihan Services Inc. (SBSI) noong Huwebes. Ang SBSI ay isang samahan sa Socorro, Surigao del Norte na sa tingin ay isang “kulto”. Kasama sa pagdinig ang mga dating miyembro ng SBSI na tumakas at tumayong testigo sa hindi makataong ipinagagawa sa kanila ng lider na si Jey Rence Quilario, alyas Senior Agila.

Ibinunyag ng mga testigo ang ginagawang pang-aabuso sa mga bata at ang mga hindi makataong ginagawa ng lider. Nabatid na 1,587 na mga bata ang nasa bundok na tinatawag na “Kapihan”. Napag-alaman na ang mga bata na may edad 12 ay hindi marunong sumulat at bumasa. Ang mga bata na umano’y kasama ng kanilang mga magulang na tumira sa bundok ay dumaranas ng mga pagpapahirap kasama na ang pagpapakasal nang maaga sa mga lalaking hindi nila kilala. Ang pinakamasama, ginagahasa pa umano ang mga menor-de-edad ng mismong pinuno ng SBSI na si Senior Agila.

Ang dinaranas ng mga bata sa umano’y “kulto” ay ibinunyag ng dating miyembro ng SBSI na si Alyas Jane. Ayon kay Jane, noong nakaraang taon na siya ay sumapit sa ika-14 na taong gulang, sapilitan siyang ­ipinakasal sa kapwa niya miyembro na 18 taong gulang subalit hindi niya ito kilala. Bukod sa kanya, marami pa umanong batang babae at lalaki ang pinapares ng lider ng kulto at sapilitang ikinakasal. Inuutusan din umano ang mga lalaki na gahasain ang kanilang mga asawa sa loob ng tatlong araw matapos ikasal.

Nabunyag din sa hearing na sapilitang pinagsusundalo ang mga kabataang lalaki para makabilang sa tinatawag na “Soldiers of God”. Ang mga ayaw sumunod ay pinarurusahan gaya nang paglangoy sa balon na may dumi at ihi ng tao.

Napag-alaman na maraming miyembro ang nagbenta ng kanilang ari-arian at ang pinagbilhan ay binibigay umano kay Senior Agila. May mga guro at pulis na umalis ng kanilang trabaho at nanirahan sa bundok.

Nabulgar ang “kulto” nang ang mga tumakas na miyembro ay humingi ng tulong kay Senator Risa Hontiveros. Nag-privilege speech si Hontiveros at ibinunyag ang ginagawa ng SBSI. Nagkaroon ng hearing sa pamumuno ni Sen. Ronald dela Rosa. Sa hearing, sinabi ni Dela Rosa na nagsisinungaling si Quilario at iba pang lider ng SBSI kaya ikinulong sila sa Senado. Taliwas umano ang mga ipinahayag ni Quilario at iba pa sa sinabi ng mga witness.

Mga bata ang kawawa sa ginagawa ng umano’y “kulto” kaya nararapat na malaman ang katotohanan at isakdal ang pinuno at mga kasamahan. Labag sa karapatang pantao ang kanilang ginagawa na pati mga bata ay puwersahang pinagagawa ng laban sa kalooban. Parusahan ang mga nang-abuso.

SBSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with