Delivery ng physical national ID, mabagal!

Nagsisimula pa lamang ang pagpaparehistro sa Philippine­ Identification System (PhilSys) para magkaroon ng physical national ID ng mga Pinoy, aba’y talaga namang nagkainteres na rito ang marami.

Ito ay dahil sa katotohanan na marami pa rin sa ating mga kaba­­bayan ang walang magamit na anumang ID kaya nagkainteres sila rito.

Lalo pa nga na ang national ID na ito ay pwede nang magamit sa anumang transaksyon sa lahat ng tanggapan ng gobyerno na makakatulong ng malaki sa marami nating kababayan.

Pero ang ilan sa mga nauna nang nagparehistro, yung iba nga higit taon na ang nakalipas ang nadi­dismaya sa kasalukuyan.

Kasi nga hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natatanggap ang minimithi nilang national ID.

Anong nangyare?

Ito ay sa kabila nang kautusan ng Pangulong Bongbong Marcos na ilabas na ang mga national ID para magamit ng ating mga kababayan.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) umaabot na sa 81 mil­yong Pinoy ang nagparehistro  na  ng kanilang physical identification cards.

Pero eto nga ang malungkot, mababa pa sa kalahati o 39.7 milyon pa lamang ang naiisyuhan nito at ang nasa 41.2 milyon ay tanging ePhilID na naimprenta sa papel ang kanilang natanggap.

Ang malaking bilang ng backlog sa physical ID, ayon pa sa PSA ay dahil sa card printing capacity na kaya lang makapag-imprenta ng nasa 80,000 kada araw.

Idagdag pa nga na araw-araw ay patuloy ang pagdami ng nagpaparehistro pero limitado ang imprenta.

Yung mga naghihintay sa kanilang pysical ID, intay-intay pa dahil baka sa Setyembre pa ng taong 2024 makumpleto ang delivery ng national IDs.

Ang pag-imprenta umano ay ibinabasa sa first-in, first out.

Kung nakapaghintay kayo ng mahigit sa isang taon, eh wag ka na marahil mainip baka malapit- lapit na rin yan, kung ang pagbabasehan eh ang pahayag ng pamunuan ng PSA.

Sana nga eh yan lang ang mga dahilan, ang mahirap eh baka may ‘kapabayaan’ kaya nagiging­ mabagal.

Show comments