^

Punto Mo

Manang Rose (161)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Pero mayroon akong mahalagang sasabihin sa’yo Melba, dahil sa ginawa mong pakikisama sa lalaking nagdulot ng bangungot sa mga anak mo, palagay ko, wala na silang pagmamahal sa iyo. Ikaw mismo ang gumawa ng paraan para ka layuan ng sarili mong mga anak. Hindi ko alam kung hanggang saan ang galit ng iyong mga anak sa ‘yo—sa tingin ko malalim at baka hindi na maibalik…’’ sabi ni Manang Rose kay Melba.

Umiyak si Melba. Hindi na ito makapagsalita dahil marahil sa tindi ng pagkakonsensiya sa mga sinabi ni Manang.  Tumarak sa konsensiya ang mga sinabi at nagmistulang bata na umiiyak si Melba.

“Nagtataka ako sa’yo Melba dahil hindi ka naman ganyan nung tayo ay magkakilala. Alam kong mabuti ka kaya nga pumayag ako sa hiling mo na ampunin si Eliz. Naawa ako sa’yo dahil sabi mo, wala kang ikakaya para buhayin ang tatlo mong anak. Dahil sa awa ko, kinuha ko si Eliz. Ang akala ko, hindi ka magbabago pero nagkamali ako dahil mula nang makipag-live-in ka, nagbago na ang ugali mo. Malaki na ang ipinagbago mo. Hindi ko maisip kung bakit nagkaganun ka…”

Nagpatuloy si Melba sa pag-iyak. Nguyngoy nang nguyngoy.

“Kaya kung uuwi ka para sa namatay mong ka-live-in, bahala ka. Pero huwag mo nang tatangkain na makita ang mga anak mo dahil mapapahiya ka lamang. Hindi nila gugustuhin na makita ka. Please lang, Melba, igalang mo ang mga bata…’

Natapos ang pag-uusap nila.

MAAYOS na ang buhay nina Eliz at dalawang kapatid na sina Ella at Emmie. Nasusubaybayan niya nang maayos ang mga ito. Pati sa pag-aaral ay siya ang nagtuturo.

“Okey ba ang pag-aaral nina Ella at Emmie, Eliz?’’ tanong niya isang umaga. Papasok na ang tatlo sa school.

“Opo Manang. Mahusay ang dalawang ito.’’

“Good.’’

“Salamat uli Manang sa kabutihan mo,’’ sabi ni Eliz.

Ngumiti lang si Manang.

(Itutuloy)

vuukle comment

MELBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with