^

Punto Mo

Ang maramot na misis

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

KUNG may lalaking gusto niyang sa bahay lang ang kanilang misis at nag-aasikaso ng pamilya, mas marami pa rin ang lalaking “cool”, na mas nanaisin niyang masayang nagtatrabaho si Misis at nakikipagsabayan sa kanya na maging matagumpay sa kanyang career.

Ang misis na ibibida ko ay ayaw magtrabaho kahit nakapagtapos sa kolehiyo. Mabait at masigasig si Mister. Bukod sa pagiging architect sa isang kompanya, nagtuturo pa ito sa unibersidad tuwing gabi. Nakaipon si Mister ng kaunting puhunan at nakapagtayo ng restaurant na hindi naman kalakihan.

Palibhasa ay mabait, ang lahat ng kanyang suweldo bilang architect at professor, at kinikita ng restaurant ay isinusulit niya kay Misis. Nagsimulang  makadama ng pagkainis ang mister nang nakiusap siyang dagdagan ang allowance na ibinibigay sa kanya. Naghinala kaagad si Misis na may babae siguro ito kaya humihingi ng dagdag na allowance.

Dinagdagan ang allowance ni Mister pero bago bitawan ang pera, laging may kakambal na pagbubunga si Misis. Hanggang isang araw, hindi na nakatiis si Mister at nagsalita ito, maikli pero gumuhit nang malalim sa sensitive na puso ni Misis:

“Bakit ba ang damot mo sa akin? Lalo sigurong hindi makain ng aso ang sasabihin mo sa akin kung nanggaling sa pawis mo ang perang ipinagdadamot mo.”

Iyon ang simula ng hindi nila pag-iimikang mag-asawa. Kung noon ay 100 percent ng suweldo ang isinusulit ni Mister kay Misis, ngayon ay 30 percent na lang. May hanapbuhay at sariling pamilya na ang  nag-iisa nilang anak.

Sabi ni Mister sa kanyang misis: “Sawa na akong makatikim ng pangungutya kahit ang hinihingi ko ay perang pinagtrabahuhan ko.”

Natutong mambabae si Mister hanggang sa nakipaghiwalay na lang siya sa kanyang misis. Isinara na niya ang restaurant, tumigil sa pagtuturo at nag-concentrate na lang sa pagiging arkitekto. Nakakatamad daw maghanapbuhay kung ang kapalit lang nito ay pagbubunganga at pagdadamot ng misis niya.

WIFE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with