^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi lubos ang hustisya kay Jullebee Ranara

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi lubos ang hustisya kay Jullebee Ranara

MASAKLAP ang nangyari kay Jullebee Ranara sa Kuwait noong Enero 28, 2023. Ginahasa siya at nabuntis ng 17-anyos na anak ng kanyang amo. Ang masaklap at hindi makatao, pinatay siya, sinunog ang bangkay at saka inilibing sa disyerto. Ganyan ang ginawa sa kanya ng tinedyer na si Turki Ayed Al-Azmi. Masyadong brutal ang ginawa kay Jullebee ng among tinedyer. Naaresto naman agad ang tinedyer at ikinulong.

Ang pagpatay kay Jullebee ang naging dahilan kaya ipinatigil ng pamahalaan ang pagpapadala ng household workers sa Kuwait. Isang magandang hakbang para matigil na ang pang-aabuso, panggagahasa at pagpatay sa mga kawawang Pinay household workers.

Makalipas ang siyam na buwan makaraang patayin si Jullebee, lumabas na ang desisyon ng Kuwait court: 16 taong pagkakabilanggo ang rapist-killer. Masasabing mabilis ang paglilitis sa akusado subalit hindi makatarungan ang hatol na 15 taong pagka­kabilanggo lamang. Masyadong magaan ang parusa. Nasaan ang hustisya sa kawawang Pinay?

Nagimbal ang mga kaanak ni Jullebee nang makaabot sa kanila ang balita na 15 taon lamang ang hatol sa rapist-killer. Ayon sa pamilya ni Jullebee, habambuhay na pagkakabilanggo ang inaasahan nilang igagawad. Hindi raw ganito kagaan ang ini-expect nilang parusa sapagkat bukod sa ginahasa at pinatay ay sinunog pa ang bangkay ni Jullebee.

Ayon naman kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega, hindi raw mahahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo ang akusado dahil sa pagiging menor de edad nito. Ayon din daw sa Juvenile Court ng Kuwait, wala ring maibibigay na “blood money” ang pamilya ng akusado dahil hindi naman habambuhay ang hatol. Ang pagbibigay daw ng “blood money” ay kung ang akusado ay may hatol na kamatayan at hihilingin ng pamilya nito ang kapatawaran sa pamilya ng biktima.

Karumal-dumal ang ginawa kay Jullebee pero magaan ang parusa sa nagkasala at wala man lang kabayaran para sa moral damages ng biktima. Hindi patas ang batas sa Kuwait. Walang aasahang hustisya ang biktima.

Bukod kay Ranara, pinatay din sa Kuwait noong 2017 si Joanna Demafelis. Makaraang patayin, ­inilagay ang katawan niya sa freezer. Noong 2018, pinatay si Constancia Dayag at noong 2019, pinatay naman si Jeanelyn Villavende. Sino pa ang susunod?

Nararapat lang na huwag magpadala ng Pinay workers sa Kuwait. Kawawa ang kinahahantungan ng mga Pinay na kung hindi ginagahasa ay pinapatay ng mga mapagsamantalang amo.

JULLEBEE RANARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with