HUSTISYA ang isinisigaw ng mediaman na si Orlando Mauricio dahil sa sinapit ng kanyang anak, na inakusahang tulak ng droga. Nagsampa ng kaso si Mauricio laban kay Bulacan provincial director Relly Arnedo at iba pang pulis at sibilyan at handa siyang patunayan na mali ang bintang nila sa anak na si Oliver Paul dela Cruz Mauricio. Iginiit ni kosang Orlan na hindi siya naghihiganti laban kay Arnedo at kanyang mga kasabwat sa pag-planting ng ebidensiya laban sa kanyang anak, na tinagurian nilang high value target. Tsk tsk tsk! Mukhang hindi na makukuha sa maBOTEng usapan ang kaso na ito.
“This is a quest for justice and truth so that my son (and other people similarly situated) will be cleared of wrongful accusations. I submitted clear CCTV recordings of what really happened. The police wore no body-cams and merely presented pictures of a re-enactment of a buy-bust,” ani Orlan, correspondent ng Manila Standard, editor-publisher ng MetroNEWS Bulacan at PNP Outstanding Journalist of the Year in 1997 awardee.
Nagsampa si Orlan ng counter-charges na kidnapping, serious illegal detention at planting of evidence sa sala ni Senior Assistant provincial prosecutor Alejandro Ramos noong Agosto 31. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Sa kanyang counter-affidavit, sinabi ni Orlan, na hindi makatarungan ang pag-aresto ng mga pulis kay Oliver Paul noong Agosto 16 sa Malolos City dahil wala silang arrest warrant. Subalit ayon sa police report, si Oliver Paul ay inaresto sa isang buy-bust operation at nakumpiskahan ng dalawang sachets ng shabu at suspected cocaine. Ano ba ‘yan? Si Oliver Paul ay kasalukuyang nakakulong sa Malolos police jail. Ambot sa kanding nga may bangs!
Bilang ama at kahit may trangkaso, tumakbo si Orlan sa harap ng kanilang bahay matapos marinig ang kanyang anak na sumisigaw at humihingi ng saklolo. Nakita niya na itinulak si Oliver Paul sa isang puting sasakyan. Tinanong niya ang mga pulis kung bakit inaresto si Oliver Paul na walang warrant subalit tinitigan siya ng masama ng mga pulis. Hindi pa nakuntento, bumunot ng baril ang isang pulis at itinutok sa mukha ni Orlan.
Parang sa cine lang ‘no mga kosa? Mismooooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Maliban kay Arnedo, ang iba pang kinasuhan ni Mauricio ay sina Lt. Col. Jesus Manalo Jr., chief Bulacan intelligence unit; Lt. Col. Laurente Acquiot, deputy director for operations; SSgt. Jose Uring; SSgt. Salvador Quitaleg; Pat. Aries Oronce; Cpl. Harvin Jay Tolentino at Leolie dela Torre ng PDEA, sa planting of evidence.
Bilang accomplice naman si Maj. Nurheda Usman, ang PIO ng Bulacan PNP. Ang mga sibilyan naman na accomplice sa planting of evidence ay sina Bgy. Kagawad Mary Joan Lopez Maclang; Perlito Garcia ng DOJ Malolos office, at Gina Borlonga, ng Saksi Ngayon tabloid.
Teka may pahabol pa! Sina Lt. Col. Gina Camposano, forensic chemist, at Lt. Alejandro Agsalda, administering officer-forensic unit, bilang kasabwat din sa planting of evidence.
Parang nagdeklara ng “all our war” si Orlan ah! Hehehe! Good luck kosa!
Ang kaso ni Orlan ay hindi makatutulong para bumango ang imahe ng PNP. Tumpak! May leksiyon na mapupulot dito. Dipugaaaaa! Abangan!