Pablo Picasso
Babaero siya. Ang tingin niya sa babae ay basahan. Ayon sa isang babae na naging lover niya, si Picasso ay extraordinary artist pero walang kuwenta ang pag-uugali. Gusto niya ay masunurin ang babae sa kanya at ang height ay dapat na mas maliit kaysa kanya. Ang isa niyang kabit ay nagpakamatay samantalang ang dalawa ay natulala at naging baliw. Pruweba na masama talaga ang ugali nito sa mga babae.
Diniborsiyo muna ang kanyang legal wife. Pagkaraan ng ilang taon ay niligawan ulit niya ito at inuto na diborsiyuhin ang present husband nito para muli silang magkabalikan at magpakasal. Pagkatapos hiwalayan ng wife ang present husband, bigla na lang naglaho si Picasso dahil nagpakasal na ito sa mas bata at sariwang babae. Niloko niya ang ex-wife para lang guluhin ang buhay.
Thomas Alva Edison
May mga tauhan siya sa kanyang kompanya na binabayaran niya para mag-isip ng mga bagay na dapat imbentuhin. Mababa lang siyang magpasuweldo. Kapag may naimbento ang kanyang empleyado, ipare-register niya iyon sa kanyang pangalan at hindi man lang bibigyan ng credit ang mga taong totoong nakaimbento.
May ipinagawa siya sa isang scientist na nagngangalang Nikola Tesla. Ang pangako ni Edison, kapag naayos ni Tesla ang project na ipinagagawa, babayaran niya ito ng $50,000. Nagtagumpay si Tesla na maayos ang ipinagagawa ni Edison ngunit nang naniningil na si Tesla. Ang sagot lang ni Edison: Ikaw naman, hindi ka na mabiro. You don’t understand American humor. Si Tesla kasi ay isang Austrian. Nagmatigas talaga si Edison na hindi magbayad kahit kailan kay Tesla.