Hardinero sa England, nakapagpatubo ng higanteng sibuyas!
Isang hardinero mula sa Guernsey, England ang nakapagpatubo ng higanteng sibuyas na posibleng pinakamalaki sa buong mundo!
Sa taunang Harrogate Autumn Flower Show, ipinakita ng gardener na si Garreth Griffin ang kanyang sibuyas na may bigat na 19.77 pounds o mahigit 8 kilos!
Ayon sa organizers, ito na ang pinakamalaking sibuyas na kanilang nakita sa loob ng 103 years ng event na ito.
Ang huling sibuyas na may hawak ng record sa pagiging higante ay noon pang 2014 at ito ay may bigat lamang na 18.68 pounds.
Naka-display ang sibuyas sa Edible Pavillion ng flower show kasama ng iba pang mga higanteng award winning na mga gulay.
Sa kasalukuyan, ipinapa-review na sa Guinness ang sibuyas para maging opisyal na ang titulo nito sa pagiging world’s largest onion.
- Latest