^

Punto Mo

EDITORYAL - Pinasisikip ng China ang mundo ng Pilipinas

Pang-masa
EDITORYAL - Pinasisikip ng China ang mundo ng Pilipinas

GUSTO nang okupahin ng China ang mga sakop na teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Palapit sila nang palapit. Ito ang dahilan kaya pursigido sila sa ginagawang pagharang at panggigipit sa mga barko ng Pilipinas.

Noong nakaraang Biyernes, hinarang at pinaligiran ng mga barko ng China Coast Guard ang barko ng Philippine Coast Guard na nagsasagawa ng Rotational at Resupply (RORE) mission sa mga sundalo na naka-station sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Muntik nang mabangga ang barko ng PCG sa ginawang paghabol ng CCG.

Iyon ang ikatlong paghahatid ng supply sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre. Una ay noong Agosto 5 kung saan ay binomba ng tubig ang PCG. Isang barko lang ang nakapaghatid ng supply sa Sierra Madre. Ang ikalawang RORE mission ay noong Agosto 22 na hinarang muli ng CCG pero nakalusot ang PCG. Ang ikatlo nga ay noong Biyernes na nagkaroon ng habulan at ginitgit ng CCG at iba pang barko ng PCG.

Tatlong oras na nagkaroon ng habulan at halos mabangga na ng CCG ang PCG. Tatlong metro na lamang ang pagitan ng CCG sa hinahabol na PCG. Hindi naman nagpatinag ang mga magigiting na mi­yembro ng PCG at mabilis na nakalusot sa mga kumuyog na barko ng China. Naihatid nila ang supply sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre.

Tiyak na magpapatuloy ang ginagawang pagharang ng CCG sa mga susunod pang misyon ng PCG sa Ayungin Shoal. Pero sabi ng tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), hindi sila natatakot at ipagpapatuloy ang misyon para sa mga sundalong nagbabantay sa BRP Sierra Madre. Sabi ni AFP Spokesman Col. Medel Aguilar, tungkulin ng AFP na pangalagaan ang mga sundalo sapagkat ang lugar ay sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ang pangyayari noong Biyernes ay naganap ilang oras makaraang magsalita si President Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng mga lider ng Southeast Asia sa ginanap na 43rd Association of Southeast Asian Nations Summit sa Jakarta, Indonesia at mariing kinondena ang mapanganib na paggamit ng China ng kanilang barko para i-harass. Binanggit ni Marcos ang pag-water cannon ng CCG sa PCG. Hinimok ni Marcos ang Asean leaders na umaksiyon sa ginagawa ng China.

Malinaw na pinasisikip ng China ang mundo ng Pilipinas. Baka magising ang mga Pilipino na okupado na ng China ang mga teritoryo sa WPS. Pabagsik sila nang pabagsik. Nararapat magsagawa pa ng diplomatic protests ang Pilipinas sa China. Magdagdag din ng barko ang PCG habang nagsasagawa ng resupply mission. Magsagawa ng sea patrol katulong ang U.S., Japan at Australia. Ito ang tanging magagawa sa panggigipit ng China.

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with