HETO ang mga senyales na maaaring makatulong upang maamin mo kahit sa iyong sarili na toxic ka:
• Nakapokus ka lang sa mga negatibong pangyayari sa iyong buhay. Kahit mayroon din naman magagandang nangyayari sa iyo na dapat sana ay gawin mong inspirasyon upang maging optimistic. Pero mas pinili mong magmukmok at tumambay sa mga problema mo.
• May ugali kang “pakabig” lagi. You are a taker not a giver. Mahilig manghingi pero hindi nagbibigay kahit kailan.
• Kapag may nakaaway, puputul-putulin niya ang kuwento kung saan ang ikukuwento niya ay ang pangyayari na pabor sa kanya. Pagmumukhain niyang napakasama ng kanyang kaaway. Pupulutanin niya ang taong absent sa kuwentuhan na walang tsansang ipagtanggol ang sarili.
• Lagi kang tama at hindi kailanman nagkakamali. Kapag may taong kumontra sa iyo at nagpatunay na mali ka, sukdulang aawayin mo ang taong iyon kahit masira ang inyong relasyon.
• Mahilig kang manghiya para lang mapatunayan mo na mas magaling ka. Tapos magpapalusot ka na kaya mo ipinahiya yung tao ay para siya ma-motivate.
• Ikaw lang ang nagsasalita pero kahit kailan, hindi mo pinakikinggan ang opinyon ng iba.
• Tuwing magkakaproblema, wala kang kasalanan. Laging mga kasama mo ang may kasalanan.
• Super tsismosa ka.
• Attention-seeker ka. Ang mga taong mahilig magpapansin ay mababa ang pagpapahalaga niya sa kanyang sarili. Gagawa siya ng mga bagay na magpapatunay na magaling siyang tao na lalo namang nagdidiin ng kanyang pagiging toxic.
• Hindi nagpapatawad at mapaghiganti.
• Reklamador.
• Maraming umiiwas sa iyo.
• Hindi ka marunong humingi ng tawad.
• Ang pinakamalungkot, wala kang matatawag ng BFF (best friend forever).