Hakbang tungo sa pag-aalaga ng sarili  

• Kung ang “feeling” mo ay mali, huwag mong gawin.

• Iwasang maging maligoy, sabihin mo ang eksaktong gusto mo.

• Iwasang maging “people pleaser”.

• Pag-aralang maging malakas ang pakiramdam. Laging gamitin ito upang makaiwas sa mga manggagamit.

• Huwag magsasalita ng negatibo tungkol sa iyo, kahit pa biro ito. Baka kapag lagi mo itong gagawin, maniwala na sila, na talagang “nega” ka.

• Huwag kang titigil sa pag-abot ng iyong pangarap. Oo, kahit matanda ka na.

• Huwag matakot magsabi ng “Hindi” o “Ayaw ko” kung ‘yun talaga ang nadadama mo.

• Huwag matakot magsabi ng “Oo” o “Gusto ko”.

• Maging mabait sa iyong sarili. Isang halimbawa, ikaw muna ang magtapos ng pag-aaral bago mo pagsakripisyuhang pag-aralin ang iyong mga nakababatang kapatid. Mas malayo ang mararating ng mabait at edukado kaysa mabait lang. Pagdating ng araw at nagkaroon na kayo ng kanya-kanyang pamilya, mas uunahin nila ang kanyang sariling pamilya kaysa nangangailangang kuya o ate na nagpaaral sa kanila.

• Hayaan mo na lang at tanggapin ang mga bagay na wala kang kontrol o wala ka nang magagawa para ito baguhin.

• Iwasan ang mga kadramahan sa buhay.

• Magmumukha kang confident kung magsasalita ka sa kalmadong tono.

• Pangalagaan ang kalusugan upang magtagal ang buhay.

• Tanggalin ang toxic people sa iyong buhay. Nakakapangit sila.

Show comments