^

Punto Mo

Pinilit na mag-resign, may makukuha ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Pinilit po akong mag file ng resignation letter kamakailan lang sa pinapasukan ko. Pinagbintangan po kasi ako sa kasalanang hindi ko naman nagawa. Pagkatapos po ng ako ay napilitang mag-resign ay wala akong nakuha kahit piso. Tama po ba na wala man lang akong matanggap na kahit magkano kahit five years na po ako sa trabaho? —Allen

Dear Allen,

Dapat ay may matanggap ka kung ang tinutukoy mo ay ang iyong final pay o ang mga halaga na dapat makuha ng empleyado matapos mawalay sa serbisyo. Kabilang na rito ang sahod na hindi mo pa natatanggap matapos kang mag-resign o matanggal sa trabaho at ang bahagi ng iyong 13th month pay.

Ibang usapan naman kung ang tinutukoy mo ay separation pay. Ang separation pay kasi ay ibinibigay lamang sa mga empleyadong tinanggal dahil sa mga tinatawag na “authorized causes” katulad ng retrenchment at redundancy. Hindi ito angkop para sa mga katulad mong umalis sa trabaho dahil sa resignation.

Nabanggit mo na napilitan ka lamang mag-resign. Kung talagang ikaw ay pinuwersa lamang na magbitiw sa trabaho ng iyong employer ay maari kang magsampa ng reklamo para sa kasong illegal dismissal. Siguraduhin mo lang na may sapat kang patunay na ikaw ay pinilit lamang mag-resign ng employer mo.

Gagamitin kasi ng dating employer mo na ebidensiya ang anumang aksyon mo na magpapakitang boluntaryo naman ang naging pag-alis mo sa kompanya, kabilang na ang isinumite mong resignation letter.

vuukle comment

BOLUNTARYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with