Paranormal facts (Part I)

• Kung ikaw ay biglang nangilabot nang wala namang dahilan, ito ay sign na may espiritung nakatitig sa iyo.

• Ayon sa mga paranormal investigators, ang mga espiritu o kaluluwa ay mas aktibo sa gabi. Mas gusto nilang mag-stay sa malamig na lugar o airconditioned room. Maaari nilang titigan ang mga tao sa buong magdamag habang natutulog ito. Ang resulta ay magigising ito at magiging mababaw na ang tulog hanggang umaga.

• Kapag nakaaamoy ka ng nasusunog sa isang kuwartong kinaroroonan mo, pero wala namang nagsisiga sa paligid, ito ay senyales na maraming multo sa kuwartong iyon.

• Nag-iisa ka sa bahay ninyo. Nakikinig ka ng music gamit ang earphone pero narinig mo pa rin na may tumatawag ng iyong pangalan o kumakatok sa inyong pintuan. Nang tingnan mo ay wala namang tao. Ito ay senyales na ipinaaalam sa iyo ng multo ang kanyang presence.

• Habang nagsha-shower ay nadarama mo na may nakatingin sa iyo. Higit-kumulang na tama ang kutob mo. Ang mga multo ay gustong maglagi sa banyo.

• Senyales na may multo sa kinaroroonan mo kung ang apoy ng kandila ay biglang naging blue o kaya ay namatay nang kusa kahit walang hangin.

• Ayon sa mga paranormal experts, kapag nanaginip ka ng isang taong noon mo lang nakita, ito more or less ang multo na nakabantay sa iyo habang natutulog ka.

• Kapag kumulog pagkatapos ng libing, ito ay nagpapahayag na ang namayapa ay nakatawid na sa kabilang buhay.

• Sa bawat 200 katao na nakakasalubong mo sa daan araw-araw, malaki ang tsansang ang dalawa rito ay multo.

Show comments