^

Punto Mo

Hindi mabuting ‘kaibigan’

Pang-masa
Hindi mabuting ‘kaibigan’

Hindi dapat nakipagkaibigan ang Pilipinas sa China sapagkat hindi ito mabuting kaibigan. Ang Pilipinas lamang naman ang nagsasabi na kaibigan ang China pero sa totoo lang, hindi itinuring na kaibigan ng China ang Pilipinas. Sa panahon ni dating President Rodrigo Duterte lumutang na “kaibigan” umano ng Pilipinas ang China. Ngayon, sa ginagawa ng China na pambu-bully sa mga miyembro ng Philippine Coast Guard at maging sa mga mangingisdang Pinoy walang makita na itinuturing nilang kaibigan ang Pilipinas. Hindi alam ng China ang tunay na kahulugan ng salitang “kaibigan”.

Bukod sa pagiging sanggano, sinungaling din ang China. Hindi puwedeng panghawakan ang kanilang mga sinasabi. Kung mayroon mang bansa sa buong mundo na ubod ng sinungaling, iyan ay walang iba kundi ang China. Nakarekord ang kanilang pagkasinungaling at marahil alam na ito ng buong mundo. Hindi na maikakaila ang kanilang kasinungalingan.

Noong Martes, matagumpay na naisagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) at isang cargo vessel ang resupply missions sa BRP Sierra Madre na binabantayan ng mga sundalo sa Ayungin Shoal. Nadala nila ang mga pagkain, tubig, gamot at iba pang supply sa mga sundalong Pilipino. Ito ang ikalawang attempt nila mula noong Agosto 5. Isang barko lang ang nakarating noon dahil hinarang at binomba ng tubig ng CCG ang PCG at isang bangkang may kargang supply.

Ngayon ay nagtagumpay na nakalampas ang resupply mission subalit ang sabi ng China, pinayagan nila ito dahil sa “humanitarian grounds”. Pinayagan daw dahil magdadala ng pagkain sa mga tao.

Ang sinabi ng China ay mahigpit namang pinabulaanan ng PCG na kaya nakapagdala ng supply ay dahil sa humanitarian grounds. Ayon kay PCG spokesman Commodore Jay Tarriela, nagsisinu­ngaling ang China. Pinahirapan sila ng apat na CCG vessels at apat pang Chinese militia boats. Nakahanda na rin umano silang bombahin ng tubig ng mga ito. Nalusutan lamang nila ang mga barko ng China nang mag-outmaneuvered nila at nakarating sa Ayungin.

Hindi mabuting kaibigan ang China. Iba ang kanilang ginagawa kaysa sa sinasabi. Kaya asahan na sa mga susunod na resupply missions ng AFP tiyak na kukuyugin muli sila ng mga ito para hindi makalusot. Nararapat maghanda ang AFP sa mga gagawing resupply missions. Kailangang suportahan ng mamamayan ang AFP sa mga gagawing pakikibaka sa sangganong China. Hindi sila dapat ituring na kaibigan.

CHINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with