^

Punto Mo

Mandatory overtime puwede bang i-impose sa mga empleyado?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Tama po ba na mag-impose ang kompanya ng mandatory overtime para sa mga trabahong hindi natatapos dahil sa dami ng aming customers?—Susan

Dear Susan,

Sa ilalim ng ating batas, hindi maaring pilitin ng employer ang kanyang mga empleyado na mag-overtime o magtrabaho ng higit sa walong oras sa loob ng isang, bukod na lang kung ang trabaho na kailangang i-overtime ay pasok sa tinatawag na “emergency overtime work” na mababasa sa Article 89 ng ating Labor Code.

Maari lamang pilitin ng employer ang kanyang mga empleyado na mag-overtime kapag may mga emergency na katulad ng: (1) digmaan o national emergency; (2) lokal na kalamidad kung saan kailangan ang pag-o-overtime ng mga empleyado upang maisalba ang buhay ng mga tao, maiwasan  ang pinsala sa mga ari-arian, at upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko; (3) mga pagkakataon na kailangan ng agarang pagkukumpuni sa mga makinarya at iba pang mga kagamitan upang maiwasan ang malubhang pagkalugi ng employer; (4) mga pagkakataon na kailangan ang overtime upang maiwasan ang pagkasira ng mga perishable goods; at (5) mga pagkakataon na kailangang tapusin ang trabahong nasimulan na sa ikawalong oras ng trabaho upang maiwasan ang perwisyo sa negosyo o operations ng employer.

Sa madaling sabi, maari ninyong tanggihan ang utos sa inyong mag-overtime kung wala naman sa mga nabanggit ang dahilan ng pagpapa-overtime sa inyo.

Kailangan n’yo nga lang suriing mabuti ang dahilan ng utos sa inyong mag-overtime at siguraduhing hindi ito pasok sa mga nabanggit.

Kung nagkataon kasing hindi niyo sinunod ang inyong employer kahit may sapat naman palang dahilan ang utos para kayo ay mag-overtime, maaring sabihin na kayo ay guilty ng insubordination o pag-suway sa employer kaya maari kayong patawan ng disciplinary action, kabilang na ang posibleng termination o pagkakatanggal sa trabaho.

vuukle comment

SUSAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with