^

Punto Mo

E.O. 9 ni BBM, ­pinagtawanan ng e-sabong operators!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI dapat ang Philippine National Police (PNP) ang sisisihin sa pagtuloy na pagyurak ng mga e-sabong operators sa Executive Order 9 ni Pesident Bongbong Marcos. Sa totoo lang, hindi naman nagkulang ang PNP dahil kaliwa’t kanan naman ang raid nila laban sa e-sabong.

Subalit hindi naman iniinda ng mga e-sabong operators ang panghuhuli sa kanila ng PNP bunga sa kalimitan nare-release ang mga suspects dahil wala namang narekober na bet money. Online kasi ang tayaan dito.

Sa ilalim ng batas na R.A. 1602, kailangan may makumpiska na bet money sa mga nahuling suspect sa e-sabong para umandar ang kaso na ihahain laban sa kanila. Mismooooo!

Kapag walang bet money, 100 percent na ididismis lang ito sa piskalya. Tiyak ‘yun!  Kaya pinagtatawanan lang ng mga e-sabong operators, tulad nina alyas Bong P., Boss Cholo at iba pa, ang E.O. 9 ni BBM dahil wala itong pangil laban sa negosyo nila.

Matatandaan na ikinasa ni BBM itong E.O. 9 para matigil permanente ang e-sabong matapos mabulgar ang kaso ng 34 missing sabungeros. Subalit wala pang order si BBM na mag-resume ito, abayyyyyy kaliwa’t kanan na nagbukas ang e-sabong at nagmukhang katawa-tawa ang E.O. 9 ni BBM. Eh di wow!

Kapag na-take down naman ang website ng e-sabong, mabilis lang nilang mapalitan ang IP address nila at presto….tuloy na naman ang negosyo nila. Araguuyyyyyy! Limpak-limpak na salapi ang iniakyat nitong e-sabong kina Bong P. at Boss Cholo kaya’t patuloy lang nilang sinagasaan ang E.O- 9 ni BBM. Hehehe!

Kailan kaya ikukumpas ni BBM ang kamay na bakal niya laban sa e-sabong nina Bong P at Boss Cholo? Ewan ko no?

Alam naman ni House Speaker Martin Romualdez at Rep. Sandro Marcos na ang problema sa e-sabong ay dahil sa kawalan ng batas laban dito. Kaya nagtataka ang mga kosa ko sa Camp Crame kung bakit hindi naman gumagawa ng batas ang Kamara para tuldukan na ang malakas na halakhak ng e-sabong operators sa E.O. 9 ni BBM. Magkano….este paano tutuldukan itong e-sabong kung nilalaro lang nina Bong P at Boss Cholo ang batas na R.A. 1602? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Hindi naman nagkulang ang kapulisan vs e-sabong, dahil sa report ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. nakahuli sila ng 1,245 adik sa e-sabong mula Hulyo 1, 2022 hanggang Agosto 15, 2023. Ayon kay Acorda, 437 na kaso ang idinulog sa piskalya, samantalang ang natirang 808 ay isinampa sa korte. Ang maganda riyan, 322 sa mga suspects ay nahatulan. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang e-sabong nina Bong P at Boss Cholo ay nakabase sa Central Luzon. Kaya’t nangunguna ang mga tauhan ni PRO3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo sa bilang ng inarestong adik sa sabong sa pag-record ng 328 arrests.

Ayon kay Hidalgo, 170 sa mga inaresto ay kinasuhan sa piskalya samantalang 158 namang kaso ang kasalukuyang dinidinig sa korte! Ang mga bataan naman ni CIDG director Maj. Gen. Romeo Caramat ay nakahuli ng 200 adik sa sabong at 27 kaso ang idinulog sa piskalya at 187 naman ang active case sa korte. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ayon kay Acorda, paiigtingin pa ng PNP ang kampanya laban sa e-sabong alinsunod sa kautusan ni Interior Sec. Benhur Abalos na naalarma na dahil sa patuloy na pinagtatawanan nina Bong P, Boss Cholo at iba pa ang E.O.9 ni BBM. Abangan!

E-SABONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with