May karapatan bang humingi ng certificate of employment?
Dear Attorney,
Kailangan ko bang bigyan ang dati kong tauhan ng Certificate of Employment na bigla na lang hindi pumasok sa trabaho at hindi nagbigay ng resignation letter?—Marie
Dear Marie,
Oo, obligado sa ilalim ng Labor Advisory No. 6, Series of 2020 ang mga employer na mag-isyu ng Certificate of Employment (COE) sa kanilang mga empleyado na hihiling nito.
Dahil obligado ka, kailangan kang mag-isyu ng COE kung may mag-request na dating empleyado mo, anuman ang dahilan ng kanyang pag-alis o pagkakatanggal sa trabaho.
Maari mo namang ilagay sa COE ang dahilan ng kanyang pag-alis o pagkakatanggal sa trabaho kaya sa sitwasyon mo, maari mong ilagay na nag-AWOL ang empleyado kaya siya ay nawalay sa serbisyo.
Tandaan lang na kailangang mag-ingat sa paggamit ng mga malisyosong salita kung maglalagay ng detalye sa COE ukol sa pag-alis ng empleyado dahil baka sa huli, ikaw pa ang mahabla.
- Latest