^

Punto Mo

Kaso ng Dengvaxia vaccine, masalimuot pa!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

DAPAT lumutang na si Dr. Melissa Guerreo, ng Department of Health (DOH) para linawin ang mga tinuran ni Dr. Tony Leachon patungkol sa Dengvaxia vaccine. Sa ginanap na court hearing kamakailan, itinuro ni Leachon si Guerrero na palihim na nagbibigay sa kanya ng dokumento o impormasyon sa kaso ng Dengvaxia. Pero hindi  alam ni Leachon kung ang kanyang nakuhang impormasyon ay “deleted o twisted.” Ano ba ‘yan? Hindi naman matagpuan si Guerrero hanggang sa ngayon dahil ayon sa DOH “insiders” palagi itong nasa biyahe, local man o sa abroad. Hehehe! Kaya lang may kumakalat na Marites na itong si Guerrero ay anti-vaccine. Eh di wow!

Si Guerrero ang magsisilbing susi sa mga tinuran ni Leachon sa court hearing, lalo na sa aspeto na maraming Pinoy ang namatay sa Dengvaxia vaccine. Mismooooo!

Pinangatawanan naman ni Leachon ang testimonya niya dahil bahagi umano siya ng autopsy team ng mga pasyenteng kilala lamang sa alyas na Colite at Baldonado. Subalit base sa mga attending physicians ng dalawang pasyente, ruptured appendicitis ang sanhi ng pagkamatay ni Colite at leukemia naman ang kay Baldonado. Tsk tsk tsk! Katawa-tawa naman ang testimonya ni Leachon, ‘no mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Ano pa nga ba?

Bilang “expert witness” kuno, iginiit ni Leachon na Dengvaxia vaccine ang dahilan sa pagkamatay ng dalawang pasyente at inakusahan pa n’yang “kriminal” ang mga health experts, kasama na ang mga Pinoy na medical scientist.  Iginiit lalo ni Leachon na eksperto siya sa lahat ng bagay, bata man o matanda, buhay man o patay kasama na ang autopsies, subalit wala siyang maipakitang mga dokumento sa korte para patunayan ito. Ipinahayag pa niya na kaya siya expert sa isyu na ito, dahil ipinatawag siya ni Tatay Digong at ginawang adviser. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kaya naman siya nag-appear sa korte, ani Leachon, ay dahil kasama ito sa kanyang krusada para sa tinatawag na “accountability.” Abayyyyy, kailangan lang ni Leachon na kumbinsihin si Guerrero na lumutang sa korte at maglabas ng ebidensiya para paniwalaan siya ng sambayanang Pinoy, di ba mga kosa? Lu­malabas kasi sa ngayon na Marites lang ang lakad niya. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kamakailan lang, hinirang ni Health Secretary Ted Herbosa si Leachon na special adviser for non-communicable disease. Abayyyyy, parang mani lang ito kay Leachon dahil sa kanyang experience. Subalit habang ginagampanan niya ang trabaho, mumultuhin siya ng testimonya niya laban sa Dengvaxia vaccine, di ba mga kosa? Ganun na nga! May posibilidad kaya na gagamitin ni Leachon ang bagong posisyon n’ya laban sa Dengvaxia? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Wag naman ganun! Hehehe! Time will tell na lang kaya! Dipugaaaaa!

Teka nga pala! Pahabol lang. Si Guerrero ay long-tine trusted staff ni dating DOH Secretary Francisco Duque. Hehehe! Bistado na si Ma’m Guerrero! Abangan!

DENGVAXIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with