^

Punto Mo

EDITORYAL - Iboykot produkto ng China

Pang-masa
EDITORYAL - Iboykot produkto ng China

MAHIGIT 400 diplomatic protests na ang inihain ng Pilipinas sa China dahil sa ginagawa nilang pambu-bully sa West Philippine Sea pero wa epek lang sa kanila. Tinatawanan lang ng China ang Pilipinas.

Noong Sabado, binomba uli ng tubig ng China Coast Guard (CCG) ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na maghahatid ng supply ng pagkain para sa mga sundalong nagbabantay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ang lugar na pinagbombahan ng tubig ay bahagi ng exclusive economic zone ng bansa. Ang pambobomba ay ginawa, ilang linggo makaraan ang pagbisita ni dating President Duterte sa China at nakipag-usap kay Chinese Pres. Xi Jinping. Hanggang ngayon, hindi pa batid ang pinag-usapan ng dalawa. Kinausap naman ni Digong si President Marcos Jr. su­balit hindi rin inihayag ang laman ng kanilang pag-uusap.

Ang insidente noong Sabado ay ikalawang beses nang pag-water cannon ng CCG sa PCG. Noong Disyembre 2021, hinarang at binomba ng tubig ng tatlong CCG ang mga bangka ng mga Pilipinong maghahatid ng supply sa mga sundalong nagbabantay sa Ayungin Shoal.

Hindi lamang pambobomba ng tubig ang ginagawa ng China Coast Guard. Noong Pebrero 2023, tinutukan nila ng military glase laser ang mga miyembro ng PCG na sakay ng BRP Malapascua na muntik nang ikabulag ng mga ito. Patungo sa Ayungin Shoal ang BRP Malapascua para maghatid ng suplay sa mga sundalong nagbabantay sa BRP Sierra Madre nang harangin ng CCG.

Nang magprotesta ang Pilipinas sa ginawang “pambubulag”, sinabi ng China na ang may kasalanan ay ang PCG. Pumasok daw ang mga ito sa kanilang teritoryo.

Hindi lamang PCG ang nakararanas ng pambu-bully kundi pati na rin ang mga mangingisdang Pinoys na maraming beses nang itinaboy upang hindi maka­pangisda sa teritoryo ng Pilipinas.

Habang patuloy ang kanilang paghahari-harian sa teritoryo ng Pilipinas, patuloy rin ang paggawa nila ng mga illegal structure sa WPS, particular sa ­Panganiban (Mischief) Reef. Ang Panganiban Reef ay nakapaloob sa 370 kilometer exclusive economic zone ng Pilipinas.

Maghahain na lang ba nang maghahain ng protesta ang Pilipinas sa China. Nararapat iba namang paraan ang gawin ng bansa. Mas mabuti kung iboycot na ng Pilipinas ang mga produkto ng China. Magsasama-sama ang mga Pilipino sa laban na ito. Hindi pinakikinggan ang pakiusap ng Pilipinas sa ginagawang pambu-bully kaya ang mabuti, huwag nang tangkilikin ang kanilang produkto.

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with