^

Punto Mo

‘Pangpangiti’

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MATINDI ang nabunyag sa isinagawang pagdinig ng Senado patungkol sa naganap na pagtaob ng isang bangka sa Binangonan, Rizal kamakailan.

Nasa 27 katao ang nasawi sa insidente, na ngayon nga malinaw na may nangyaring kapabayaan ng ilan.

Nabunyag sa isinagawang inquiry ng Senado na walang lisensya o hindi awtorisadong magpatakbo ng bangka, ang kapitan ng Aya Express na si Donald Anain.

Mas matindi pa ang ‘ikinanta’ nito ang sinasabing umano’y ‘pangiti’ o ‘suhol’ na ibinibigay sa tauhan ng coast guard para ma-clear ang kanyang paglalayag, kahit pa nga hindi ito pisikal na naiinpeksyon.

Nang matanong kung ano ang ‘pangiti’, naku po, ayon kay Anain, madalas umanong P100 halaga ng saging o di kaya naman ay P50 cash.

Ang iba umano niyang kasamahang boat captains ay may ‘pangpangiti’ rin na sigarilyo o kaya naman eh alak.

Masakit talagang mapakinggan ang ganitong akusasyon, na para sa panig ng coast guard eh walang katotohanan.

Pero, malinaw sa pangyayari na talagang may kapabayaan at hindi nagkaroon ng pisikal na inspeksyon ang mga awtoridad, dahil kung nasilip man lang nila ang laman ng bangka na sobra-sobra sa ipinakitang manifesto na 22, pero sa aktuwal ay mahigit 60, baka pati sila eh magdalawang isip kung palalayagin ito.

Baka hindi nangyari ang ganitong trahedya.

Kaso nga hindi pinagkaabalahang tignan.

Talagang nakakaalarma ang ganito, kung pa-easy-easy lang ang gagawing pagbabantay, hindi malayong maulit ang ganitong trahedya.

Ilan na bang ganitong uri ng trahedya sa karagatan ang naganap sa bansa?

Tila nga paulit-ulit na lang sa mga nagiging dahilan, pero hindi pa rin natuto sa nagdaan.

Ngayon nga nakikita ng ilang mambabatas, baka may matinding pangangailangan upang muling mabusisi ang maritime safety compliance .

Sana nga eh makatulong at sana nga eh mahigpit ring maipatupad.

SMILE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with