Kaalaman na hindi matututuhan sa paaralan (Part 2)  

• Mag-aral magluto at i-master ito, kahit isang putahe lang.

• Laging habaan ang pasensiya lalo na kapag ikaw ay nasa trabaho.

• Laging pasalamatan ang host ng party na dinaluhan.

• Magtanong kung hindi mo naintindihan.

• Alamin ang size ng damit ng iyong karelasyon.

• Kung walang permanent seating arrangement sa classroom, piliin lagi ang upuan sa unahan. Mabilis kang matatandaan ng propesor at malaki ang tsansang makakuha ng mataas na grade.

• Ang dunong sa pagmamaneho ay kailangang may kakambal na dunong sa pagpapalit ng gulong.

• Ang pagiging inggitero, gaano man itago, lumalabas iyan at nararamdaman ng taong kinaiinggitan.

• Kung may kapatid kang dalaga o inang biyuda, kilalanin ang kanyang boyfriend. Mahalaga ang iyong opinyon sa pagkakataong ito.

• Hindi mo kailangang ikaw lagi ang pinakamabilis at pinakamagaling; mas importante na maging matatag sa lahat ng oras.

• Huwag mamaliitin ang iyong kaaway. Maaaring mas malaki ka at mas malakas kang sumuntok kaysa kanya. Pero ingat din, baka iyan may itinatagong baril at mapusok na kalooban.

• Nasasalamin ang pagkatao sa ginagawa kaysa sinasabi niya.

• Kapag namatayan ng immediate family member, sikapin mong ikaw ang pinakamatatag sa mga naulila. Dapat may isang tatayong lider at magdedesisyon nang maayos na hindi dadaigin ng emosyon.

Show comments