^

Punto Mo

EDITORYAL - Kapalpakan ng Philippine Coast Guard

Pang-masa
EDITORYAL - Kapalpakan ng Philippine Coast Guard

Sinibak na ang dalawang miyembro ng Philippine Coast Guard na nagpabaya sa tungkulin nang hayaang makapaglayag ang Aya Express sa Laguna de Bay noong Huwebes sa kabila na overloaded ito. Patungong Talim Island ang bangka nang abutin nang malakas na hangin. Nabali ang katig ng bangka at tumagilid. Naipon sa isang bahagi ang mga pasahero at lumubog. Walang lifejacket ang mga pasahero. Nahirapang makaalis ang mga ito sa loob ng bangka dahil sa lona. Sa isang iglap, 27 ang namatay. Tinatayang 70 ang kabuuang pasahero ng bangka na sobra-sobra sa dapat kapasidad nito. Ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Office (DRMMO), 22 tao lang dapat ang sakay ng bangka. Bukod sa mga pasahero, may mga karga ring mga sako ng bigas at motorsiklo ang bangka.

Makaraan ang trahedya, naghigpit na ang Coast Guard sa Binangonan Port at isa-isa nang iniinspeksiyon ang mga bangkang bumibiyahe. Bigla ring nagkaroon ng life jacket ang mga pasahero.

Ayon sa mga nakaligtas, kahit puno na ng pasahero ang bangka ay nagpasakay pa nang nagpasakay ang kapitan. Ilang beses umanong bumalik sa port ang bangka para magpasakay ng tao.

Wala naman umanong mga miyembro ng Coast Guard na nag-check ng bangka kung ito ay overloaded na at may kakayahan nang maglayag. Ang standard procedures ay aalis lamang ang bangka o ang iba pang sasakyang dagat kapag binigyan ng clearance ng Coast Guard.

Nagkaroon ng kapabayaan ang Coast Guard. Umalis ang bangka na overloaded kaya nang abutin nang sama ng panahon, madaling nawasak at lumubog. Nararapat lang sibakin at kasuhan ang dalawang Coast Guard na nagpabaya sa tungkulin. Dahil sa pagpapabaya, 27 buhay ang nasayang.

Tiyak na maghihigpit nang todo ang PCG. Pero hanggang kailan ang paghihigpit? Isang buwan? Dalawang buwan? Pagkaraan ay balik uli sa dati. Pansamantala lang ang paghihigpit.

Marami nang nangyaring trahedya sa mga sasakyang pandagat pero wala pa ring leksiyon. Silipin din kung nagkaroon ng korapsiyon sa nangyaring trahedya. Posibleng nasuhulan ng may-ari ng bangka ang dalawang Coast Guard members kaya walang patumangga kung magsakay ng pasahero kahit overloaded na.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with