Sari-saring gamit sa aloe vera
ALOE vera o sabila ang tawag nang marami. Kumuha ng stem, tanggalin ang skin upang ma-expose ang gel/juice. Ito mismo ang ikuskos sa affected area. Narito ang maraming gamit ng sabila:
• Pampalambot ng balat. Ikuskos sa buong katawan bago maligo. Hayaang nakababad sa katawan ng ilang minuto saka maligo.
• Gamot sa paso o tilamsik ng mantika.
• Ikuskos sa nabugbog na bahagi upang hindi mangitim.
• Nakatatanggal ng hapdi sa sunburn.
• Iaplay sa kagat ng insekto upang hindi kumati.
• Iaplay sa mga skin rashes na hindi alam ang pinagmulan.
• Sa nagpuputok na talampakan. Paghaluin ang one-half cup ng oatmeal; 4 kutsarang aloe vera gel or juice; one-half cup ng baby lotion. Ang mixture ang laging imasahe sa talampakan matapos maligo at bago matulog. Mas mainam na magsuot ng medyas sa pagtulog para mas effective. Magaling na moisturizer dahil mas mabilis kumapit sa balat.
• Nakagagaling ng athlete’s foot.
• Ipahid sa blisters.
• Subukan sa acne.
• Nakatatanggal ng pangangati dulot ng eczema at psoriasis.
• Nakatutuyo ng warts.
• Nakapagpapaputi ng dark spots sa balat.
• Pampakapal ng buhok. Imasahe sa anit ang aloe vera gel. Hayaang nakababad ng 30 minutes. Banlawan ng tubig ang anit.
• Nagsisilbing conditioner ng buhok.
• Gamiting pantanggal ng eye makeup upang hindi maging dry ang paligid ng mata.
- Latest