^

Punto Mo

EDITORYAL - Bilang na ang araw ng mga smuggler

Pang-masa
EDITORYAL - Bilang na ang araw ng mga smuggler

SABI ni President Marcos sa kanyang SONA noong Lunes hahabulin ang mga smugglers at hoarders ng agri products. Bilang na umano ang araw ng mga ito. Hindi umano tama ang ginagawa ng mga ito sapagkat napapahamak hindi lamang ang mga magsasaka kundi ang mamimili.

Ito ang inaasam ng mamamayan noon pa na maparusahan ang mga salot na smugglers. Dahil sa mga smuggglers at hoarders, tumataas ang presyo ng mga produktong agricultural at pinapatay ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka. Dahil sa pagdagsa ng mga agri products—bigas, sibuyas, asukal, karne at isda—wala nang bumibili sa mga lokal na produkto dahil mas mura ang smuggled products.

Isang buwan bago ang ikalawang SONA ni Marcos, ipinag-utos na niya sa NBI na dakmain ang mga bigtime agri smugglers at kasuhan ang mga ito. Ang Pre­sidente ang kasalukuyang secretary ng Department of Agriculture (DA). Subalit wala pa ring nangyayari sa kautusan. Patuloy pa rin ang smugglers sa kanilang masamang gawain. Wala nang kinatatakutan. Kahit may batas ukol sa smuggling ng agri products, wala nang kinasisindakan ang mga ito.

Nag-imbestiga rin ang Senado at nahalukay ang malawakang operasyon ni “Sibuyas Queen”, subalit wala pa ring nadadakma para makasuhan. Hindi na mahagilap ang “reyna ng sibuyas”. Sabi ng Bureau of Customs, meron na silang sinampahan ng kaso, pero isang taon na ang nakalilipas, wala ni isa mang naipakukulong at lalo pang lumala ang agri smuggling. Lalong naging kawawa ang mga magsasaka na inagawan ng kabuhayan.

Inaasahan ngayon ng mamamayan na magkakaroon na ng katuparan ang mga ipinangako ng Presidente na paghabol sa mga smugglers ng agri products. Kung magkakatotoo ang kanyang pangako, dito na marahil magkakaroon ng wakas ang pamamayagpag ng mga salot na smugglers at hoarders.

Bantaan din naman ng Presidente ang mga korap na opisyal at tauhan sa Bureau of Customs. Kaya malakas ang loob ng mga agri smugglers ay dahil mayroong kumakalong sa kanilang mga korap sa Customs. Hindi magkakaroon ng lakas ng loob ang mga smugglers kung wala silang kakutsaba sa Customs.

Dapat mayroon nang masampolang smugglers at hoarders sa pagkakataong ito. Habulin sila, kasuhan at ikulong para matapos na ang problema.

SMUGGLER

SONA 2023

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with