SONA report ni PBBM, magkatotoo kaya?
KINUPASAN na ng prinsipyo ang mga namumuno sa bansa dahil sa pamumulitika at korapsyon, kaya nagkakawindang ang pamumuhay ng mga Pilipino. Ang hindi lang kumupas ay ang pagiging tuso!
Hindi papayag ang mga ganid na pulitiko na gumanda ang pangkalahatang pamumuhay dahil ang kahirapan ang magandang propaganda sa panahon ng eleksyon.
Umayaw ang ating mga ninuno sa paghahari ng mga Kastila at Amerikano na nagpalaganap ng disiplina at edukasyon sa bansa natin dahil sa pang-aabuso. Bumalik na sila, eh! Ano ngayon?
Hindi dumalo si dating Pres. Digong Duterte sa ikalawang SONA ni PBBM. Eh! ano naman ang nakapagtataka roon. Gusto n’yo pa bang murahin ni Digong si Bongbong?
Lumamig nang bahagya ang usaping term sharing nina PBBM at Sara na sisimulan dapat diumano ng kudeta sa kongreso. Nabudol ni Marites kaya nagmintis!
Maganda ang mga nakaprogramang proyekto sa talumpati ni PBBM para sa susunod pang mga taon. Preparasyon kaya para sa 2025 at 2028 elections? Okey lang, basta walang nakawan.
Ipagpapatuloy daw ang “war on drugs”, pero kaiba ang magiging konsepto dahil ipapa-rehab ang mga adik. Ngising aso na naman ang mga bata nina Speaker Martin Romualdez Senate Pres. Juan Miguel Zubiri. Magkano raw ang budget? He-he-he!
Tatanggapin ni PBBM ang resignation ng mga police scalawags. Magluluwag ang espasyo ng mga kampo ng PNP. Maglilinis ba talaga? Hmmm.
- Latest