^

Punto Mo

New Agrarian ­Emancipation Act of 2023, ginhawa sa magbubukid!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI pamilya, hindi anak, hindi pag-ibig, hindi tahanan, kundi “lupa” ang nais ng 610,054 magbubukid sa Pinas na unang maisulat, o makita kung paano isulat upang hindi maiwaglit sa puso’t diwa nila. “Lupa” ang pinakaunang kataga na hiniling ng mga walang pinag-aralan, todo mangmang na magbubukid na nais nilang matutunang isulat.

Kaya nasa tamang landas si President Bongbong Marcos na ipaapura ang katuparan ng kanyang panukala sa kanyang 1st SONA, na magpapalaya at mapagkupkop na hakbangin para lubusang ibsan ang pasanin ng mga kawawang magbubukid sa bansa. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ganito ang kuwento ni Frantz Fanon, sa isang yugto ng kanyang akdang “Pedagogy of the Oppressed,” na isa sa mga masinsinang binasa ng mga kabataan nitong tinatawag na Unang Sigwa. Kabigkis yata ng lupa ang pamilya, anak, pag-ibig, tahanan, at kung anu-ano pang kaakibat ng pamumuhay. Mismooooo!

Kung ano ang kinatutuntungan, ganoon kapayak at katatag ang paninindigan, ang giit pa n’ya. Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan.

Open-secret naman ‘yan mga kosa na nakabigkis ang kabuhayan ng mga magbubukid sa lupa, at nakadagan sa kanilang balikat ang P57.557 billion na bayaring utang upang lubusang mapasakamay nila ang kanilang lupang sinasaka. Nilagot ni BBM ang tanikala na gumagapos sa kanila sa pamamagitan ng New Agrarian Emancipation Act of 2023. Mismooooo!

Sa ngayon, nakahinga na ng maluwag ang mga kababayan nating magbubukid. Ano pa nga ba!

Pansinin din natin na mahigit 1 milyon ang saklaw na lawak ng sakahang lupain sa nilagdaang batas ni BBM. Sa biglaang tuusan, ngayong naglalaro lang sa 20-50 kaban ng palay bawat ektarya ang ani sa palayan, hindi pa rin talaga sasapat sa pangangailangan sa mga hapag-kainan ng bawat pamilya nila.Tumpak!

Hangad natin na nawa ay high-value crops ang sinisinop ng ating mga magbubukid- gisantes, bitchuelas, bawang, luya, sitsaro, cauliflower, repolyo, patatas, karot, cutflowers, prutas upang tumabo ng mas mahilab na kita. Eh di wow!

Kung sabagay, aminin natin na pawang senior citizens ang nagagalak sa hakbangin ni BBM. Nasa edad-60 na ang karaniwang magbubukid sa ating bansa. At tinabangan na marahil, maging kanilang mga supling, upang pagyamanin ang lupa at lumikom ng biyaya mula dito. Ganun nga nga, di ba mga kosa?

Bukod sa manufacturing, at imprastraktura, mismong agrikultura  na gulugod ng pambansang ekonomiya ang nais pagtuunan ng pansin ng administrasyon ni BBM.
Nakakatuwang pakinggan dahil pinansin ni BBM na kailangang ituwid ang may 40 taon ng pagpapabaya sa sector ng agrikultura na batayan ng kaunlaran sa bansa. Tumpak!

Sinimulan nang ituwid ni BBM ang kapabayaan sa agrikultura sa pamamagitan ng New Agrarian Emancipation Act of 2023. Ambot sa kanding nga may bangs!

Napakainam na hakbangin patungo sa mas magandang kinabukasan. Abangan!

MAGBUBUKID

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with