BINATA na ay hindi pa marunong lumangoy si George Lucas. Ito ang kapintasang madalas ikantiyaw sa kanya na nagiging dahilan ng kanyang pagkapahiya. Bata pa ay mahilig na siya sa photography.
Nang maging adult ay naging interesado sa cinematography. Sa kanyang mga interview, lagi niyang sinasabi na kaya siya nangarap maging isang mahusay na filmmaker ay upang makabawi sa pagiging bopols sa swimming.
Nag-enrol siya sa University of Southern California School of Cinematic Arts at kumuha ng Bachelor of Fine Arts in Film. Nag-concentrate siya sa camera work and editing, lighting, special effects.
Naisipan niyang magsulat ng script. Ngunit nang ialok niya ito sa mga producer, ito ay ni-reject dahil mahirap daw intindihin ang istorya. Inayos niyang muli ang script upang mas mabilis maintindihan ang istorya.
Pagkaraan ng apat na taon, may tumanggap din sa script, ginawa itong pelikula na may pamagat na Star Wars. Hindi nila akalaing tatabo ito sa takilya. Sino ang mag-aakala na naging “highest grossing film of all time” ang script na ilang beses tinanggihan ng producers?
Si George Lucas din ang creator ng Indiana Jones. Hindi man siya makalangoy sa tubig, ngayon naman ay lumalangoy siya sa pera. Si George Lucas ay isa sa mga kinikilalang American film industry’s most financially successful directors/producers, with an estimated net worth of $4.9 billion, as of 2023 ayon sa Forbes. Nanatili siyang nakahanay sa mga bilyonaryo ng U.S. sa kabila na ilang taon na siyang retirado sa paggawa ng pelikula.