Aksidente dahil sa pagmamaneho ng lasing, tumataas
Kung ang pagbabasehan ay ang araw-araw na kaganapa sa lansangan, masasabing talagang mataas pa rin ang mga nagaganap na aksidente na dulot ay pagmamaneho ng lasing.
Nakikita naman dyan na dahilan ng ilan, partikular na si Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan na ito ay nangyayari dahil sa hindi sapat o kulang ang bilang ng mga magpapatupad sa RA 10586 o ang tinatawag na Anti-Drunk and Drugged Driving Act.
Kaya nga ang kanyang panawagan sa mga tauhan ng PNP, MMDA at maging sa mga local government units na magpakalat ng mga karagdagang enforcers na magbabantay sa mga driver na pasaway na kahit nakainom o lasing na lasing eh nagmamaneho, mas lalo pa nga kung ang isang driver ay nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot.
Bukod sa kulang sa mga magbabantay sa mga pasaway, kulang na kulang din sa mga angkop na kagamitan.
Tila walang takot ang marami sa probisyon ng batas sa Anti-Drunk Driving Act.
Sa ilalim nito, sinumang mapatunayan na nasa impluwensya ng alcohol habang nagmamaneho ay maaaring makalaboso nang buhat sa tatlong buwan hanggang 20 taon at /o may multa na mula P20,000 hanggang P500,000.
Dapat umano na masanay naman ang mga enforcer sa pagdetermina sa mga lasing na driver.
Nakapaloob din sa implementing rules and regulations (IRR) ng Anti-Drunk Driving Act, ang mga driver na pinagsususpetsahan na nagmamaneho ng lasing ay pwedeng isailalim sa tatlong uri ng sobriety tests: ang Eye Test o “horizontal gaze nystagmus,” ang Walk-and-Turn Test, at ang One-Leg Stand, na yan ang mga kailangang mapag-aralan ng mga magpapatupadf sa batas.
Kailangan palang maipasa itong lahat ng mga driver at sakaling may isa man dito na hindi niya maipasa, eh dapat ng gamitin ng ang Alcohol Breath Analyzer (ABA) ang driver.
Sa tala ng DOTr, nasa 11,000 ang nasawi sa Pilipinas dahilan sa mga bangganan ng sasakyan na dulot ng pagmamaneho ng lasing at naka-droga, overspeeding, pagte-text habang nagmamaneho at human error.
Maging ang PNP Highway Patrol Group, Yamsuan , ay nagsabi ring tumaas ang bilang ng mga aksidente sa lansangan sanhi ng pagmamaneho ng lasing na pumalo sa 59 insidente o halos 90 % noong Nobyembre 2022 kumpara sa nairekord na 31 insidente sa nakalipas na buwan sa nakalipas din taon.
Tandaan na ang responsableng pagmamaneho ay maliligtas ng maraming buhay sa lansangan.
- Latest