• Dark Circle sa Mata – Paghaluin hanggang sa lumapot na parang “paste” ang mga sumusunod—dalawang pirasong hinog at malambot na kamatis. Tadtarin ng kutsilyo at durugin ng tinidor o gumamit ng blender + 1 kutsarang lemon juice + isang kurot ng harina + isang kurot turmeric powder. Kapag mukha na itong paste, ipahid sa paligid ng mata. Hayaan lang ito ng 10-20 minutes. Banlawan ng tubig. Gawin 3 beses isang linggo.
• Kung balisa at hindi makatulog – Uminom ng mainit na chamomile tea na hinaluan ng lemon/calamansi juice at honey 2 oras bago matulog sa gabi. Nagpapakalma ito at nagpapahimbing ng tulog.
• Laging pahiran ng eye cream ang eyelids – Eyelid skin ang thinnest and most delicate kaya mabilis kumulubot. Mas effective ang eye cream kung ito ay may ingredient na peptide at anti-oxidant.
• Bawasan ang paggamit ng asukal – Pinatitigas ng sugar molecules ang collagen, ang protina na responsable sa healthy skin. Mangungulubot ang balat kapag tumigas ang collagen.
• Gumamit ng sunscreen – Palatandaan na matindi ang sikat ng araw na masama sa ating kutis: Kapag tumayo sa ilalim ng araw, nagiging pandak ang iyong anino kumpara sa iyong real height.
• Iwasan ang hot shower – Tinatanggal nito ang natural oil ng balat.
• Kumain ng Brazil nuts – Pinakamayaman ito sa selenium. Ang selenium ang nagpuprotekta sa kutis mula sa perwisyong sinag ng araw. Ngunit kung wala, may selenium din ang cashew at sunflower seeds.
• Mananatiling shiny ang buhok na bagong kulay kung ang conditioner na gagamitin ay dadagdagan ng 2 drops orange at grapefruit essential oil.
• Kailangan nang kulayan ang buhok kung 40 percent na ang puti ng buhok.