^

Punto Mo

Ramen na may binti ng buwaya, matitikman sa isang ramen restaurant sa Taiwan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG ramen shop sa Yunlin, Taiwan ang pinag-uusapan ng mga Taiwanese netizens dahil sa pinakabago nitong menu, ang Godzilla Ramen!

Trend ngayon sa Taiwan ang mga kakaiba at nakaka­kilabot na ramen. Nitong mga nakaraang linggo, nag-viral at pinilahan ang Isopod Ramen at Frog Ramen. Upang makasabay sa trend na ito, naglabas ang ramen shop na Witch Cat Ramen Restaurant ng “Godzilla Ramen”. Gawa sa 40 different spices ang sabaw ng ramen na ito pero ang main ingredient nito ay nilagang binti ng buwaya.

Sa panayam sa may-ari ng restaurant, sinabi nito na naisipan niya na gumawa ng ganitong klaseng ramen matapos siyang magbakasyon sa isang crocodile farm sa Thailand. Doon niya natutunan kung paano magluto ng crocodile soup.

Ang binti ng buwaya na sinasahog sa ramen ay nagmumula pa sa isang crocodile farm sa Taitung City, southeast of Taiwan. Dalawang binti ng buwaya sa isang araw ang kaya lang i-supply ng farm sa restaurant kaya limitado at kailangan magpa-reserve in advance para matikman ito.

Nagkakahalaga ng 1,500 Taiwanese dollars ang isang bowl ng Godzilla Ramen. Naniningil din ng additional 100 Taiwanese dollars na “food waste fee” ang restaurant kapag hindi kinain ang ramen at ginamit lamang para videohan at litratuhan.

RAMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with