^

Punto Mo

EDITORYAL - Afghans sa Pinas: Teka muna

Pang-masa
EDITORYAL - Afghans sa Pinas: Teka muna

MABIGAT ang kahilingan ng United States sa Pilipinas: Patirahing pansamantala sa Pilipinas ang 50,000 Afghans refugees habang ipinuproseso ang special immigration visa ng mga ito. Ayon sa report, ang Afghans refugees ay mga civilian workers sa pasilidad ng U.S. sa Kabul. Nang makontrol ng Taliban forces ang Afghanistan noong Agosto 2021, maraming mamamayan ang lumikas o tumakas sa kanilang bansa. Ang mga nagtatrabahong Afghans sa U.S. facilities kasama ang kanilang pamilya ay pinahintulutan na makakuha ng special immigration visa sa U.S. territories. Nakiusap si U.S. President Joe Biden sa Pilipinas na pansamantalang tumira rito ang Afghans habang inaayos ang visa ng mga ito. Sasagutin daw ng U.S. ang lahat nang gastusin ng Afghans habang nasa Pilipinas.

Marami ang umaalma sa kahilingang ito ng U.S. Nag-file ng resolusyon si Senator Imee Marcos para malaman ang kahilingan ng U.S. na makapanatili sa bansa ang Afghans refugees. Tutol si Imee sa balak na pag-stay ng Afghans dahil sa isyu ng national security. Gusto ring malaman ni Imee kung ang mga Afghans ay lehitimong refugees o mga espiya ng U.S. Dagdag pa, ang request bang ito ay napag-usapan na ng mga ahensiya ng gobyerno sa public forum.

Sagot ng DFA, pinag-aaralan pa ang hiling ng U.S. at nasa punto pa lamang ng konsultasyon tungkol sa magiging implikasyon o epekto ng pagpapatuloy sa bansa ng Afghan nationals. Wala pa raw pinal na desisyon ang gobyerno ukol dito. Kung mapagbibigyan daw ang hiling ng U.S. na bigyan ng temporary shelter ang Afghan nationals habang inaayos ang visa ng mga ito, magiging mahigpit ang Pilipinas sa mga papasok sa bansa. Titiyakin din daw na walang maiiwan kahit isang Afghan sakalit may ma-deny sa kanilang special immigrant visa.

Tanggihan ang kahilingan ng U.S. na manatili rito ang Afghans. Nanganganib ang seguridad ng bansa kapag may nagtangka sa Afghans. Puwede silang gantihan ng Taliban. Ang mga Taliban ay sanay gumawa ng bomba at marami sa kanila ang suicide bombers. Ipayo sa U.S. na sa teritoryo na lamang nila patuluyin ang Afghans at huwag sa Pilipinas. Puwede naman nilang patuluyin sa Guam at Hawaii ang 50,000 Afghans. Huwag dito sa Pilipinas na maaring madamay pa sa karahasan. Isa pa, marami nang problema ang bansa na dapat unahin. Kahit pa ang U.S. ang sasagot sa gastos ng refugees, hindi pa rin dapat pahintulutan.

TALIBAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with