^

Punto Mo

Ed Prades, magtatapon ng milyones sa sugal-lupa sa Maynila!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Hindi pinag-aralan ng negosyante at pulitikong si Ed Prades ang kalakaran ng sugal-lupa sa Maynila bago n’ya padalusdalos na pasukin ito. Mukhang magtatapon lang si Prades ng milyones sa desisyon n’ya. Tumpak! Hindi lang naman kasi si Prades ang naglalaway na kopoin ang sugal-lupa sa Maynila kundi marami pang nauna. Nagtagumpay ba sila? ‘Yan ang tanong? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Kung wala namang bagong estilo o pamamaraan itong si Prades, abayyyyy goodbye na lang sa milyones n’ya. Dipugaaaaa! Ang iginigiit ng mga kosa ko, iba ang kalakaran ng sugal-lupa sa Maynila kung ikumpara sa probinsiya ng Bicol. Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

Ang huling natandaan kong nais masolo ang takbo ng sugal-lupa sa Maynila ay itong negosyanteng si Charlie “Atong” Ang. Pinasara rin ni Boss Atong ang sugal-lupa at binili ang lingguhang intelihensiya ng MPD director, station commanders, at PCP commanders sa halagang P2 milyon weekly. Ang pitsa ay inatado mula sa itaas papunta sa ibaba. Kayo na ang magsuma mga kosa dahil sa panahon na ‘yaon na si ret. Gen. Rolly Asuncion ang hepe ng MPD, kokonti pa ang mga police stations at PCP sa Maynila.

Sa ngayon, may binuksan nang bagong istasyon at PCP. Hehehe! Magkano kaya aabutin ng weekly payola ni Prades sa MPD? Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa panahon na ‘yaon ni Boss Atong, ang mayor ng Maynila ay si Erap Estrada. Nagkabati na sila ni Boss Atong kaya’t bagyo na naman s’ya. Subalit kahit malakas si Boss Erap sa masa, eh hindi naman naging dahilan ito para suportahan ng mga sugarol na Manilenyo ang sugal-lupa ni Boss Atong. ‘Ika nga, hindi lumakas ang kubransa ni Boss Atong kaya’t sa loob ng sampung lingo, abayyyyy humirit siya kay Asuncion na bawasan ang P2 milyon na payola n’ya. Hindi pumayag si DD kaya’t hayun, layas sa Maynila si Boss Atong. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang talaga!

Sa kabuuan, tumulak si Boss Atong ng P20 milyon sa MPD pa lang ha. Paano na lang ang NCRPO, CIDG national, CIDG NCR, NBI, GAB at iba pang operating units? Manonood na lang ba sila sa sugal-lupa ni Prades? Siyempre, kahit rekta pa si Prades sa mga bossing ng mga unit sa itaas, dahil babanggitin n’ya ang pangalan ng pamilya ni President Bongbong Marcos, abayyyyy masusugatan pa din s’ya, di ba mga kosa? Di bale ‘yan kung totoong libre s’ya sa PMRR ng PCSO. Hak hak hak! Aaray si Prades sa magiging resulta ng pag-aagaw n’ya ng sugal-lupa sa Maynila. T’yak ‘yun!

Sa ngayon, kinuha na ni PO2 James Paras ang mga lingguhang payola na tinatanggap ng istasyon at presinto sa mga gambling lords. T’yak, isusumite ito ni Paras kay Prades para tuloy ang ligaya ng kapulisan sa Maynila. Hehehe! Parang kinopya lang ni Prades ang estilo ni Boss Atong, no mga kosa? Pero lintek din ang suwerte nitong si Paras dahil sumusuweldo na s’ya sa PNP, abayyyy may parating rin kay Prades. Hindi lang ‘yan, hayagan ding sinusuway ni Paras ang “no take policy” ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. Hehehe! Sampolan mo nga ‘yang si Paras, Gen. Acorda Sir para hindi na pamarisan pa. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kung sino man ang nagsulsol kay Prades na pasukin ang sugal-lupa sa Maynila, hindi kaibigan ang turing sa kanya. Ano pa nga ba! Kung si Boss Atong nga ay hindi natulungan ng kasikatan ni Erap para palakasin ang kubransa niya, itong pamilya kaya ni BBM matutulungan si Prades? Abangan!

NEGOSYANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with