^

Punto Mo

Pinakamalaking kidney stone sa mundo, nakuha sa isang lalaki sa Sri Lanka!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

isang 62-anyos na lalaki sa Sri Lanka ang nakatanggap ng dalawang Guinness world record dahil sa napakalaking kidney stone na nakuha sa kanyang katawan!

Nakapagtala ng dalawang world record title si Canistus Coonghe hindi dahil sa kanyang talento, pambihirang lakas o kaka­ibang kakayahan kundi sa dambuhalang kidney stone na nakuha sa kanyang right kidney!

May sukat na 5.26 inches at may bigat na 800 grams ang kidney stone na nakuha kay Coonghe. Hindi lamang ito ang tinaguriang “Heaviest Kidney Stone in the World”, ito rin ang may hawak ng titulong “Largest Kidney Stone in the World”.

Ang surgeon na si Dr. Kugadas Sutharshan ang nagtanggal ng kidney stone kay Coonghe sa pamamagitan ng isang maselan na procedure na tinatawag na “open pyelolithotomy.”

Sa panayam sa doktor, sinabi nito na mas malaki pa ang kidney stone sa mismong kidney ni Coonghe. Sa kabutihang palad, walang naging kumplikasyon sa kidney ng pasyente at normal pa rin ang function nito.

Sa kasalukuyan, nasa recovering stage na si Coonghe at nasa mabuti nang kalagayan.

GUINNESS WORLD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with