^

Punto Mo

EDITORYAL - Mabagal na ­imbestigasyon sa ­pinatay na ­broadcaster

Pang-masa
EDITORYAL - Mabagal na ­imbestigasyon sa ­pinatay na ­broadcaster

Hanggang ngayon, hindi pa nadadakip ang pumatay sa broadcast journalist na si Cresenciano Bunduquin ng Calapan, Oriental Mindoro. Mabagal ang pulisya sa Or. Mindoro sa pagtugis sa killer. Sabi ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Paul Gutierrez, tinututukan nila ang kaso at mayroon na silang sinusubaybayang mga personalidad kaugnay sa murder ni Bunduquin. Ayon kay Gutierrez, isa umanong police major at kasamahan nito na operator ng peryahan ang tinuturong ‘‘utak’’ sa pagpatay. Bukod sa dalawang persons of interest, tatlo pang personalidad ang pinagsususpetsahang sangkot sa murder ng broadcaster.

Ang pagkakadawit ng police major sa kasong ito ang maaaring dahilan kaya hindi umusad ang imbestigasyon. Iimbestigahan kaya ng mga pulis ang kapwa nila pulis lalo pa’t mataas ang ranggo nito. Ito marahil ang dahilan kaya mabagal ang pag-aresto sa suspek na si Isabelo Bautista, 45. Si Bautista na umano’y taga-Bansud, Oriental Mindoro ay hindi pa naaaresto hanggang ngayon.

Naganap ang pagpatay kay Bunduquin noong Mayo 31, 2023 ganap na 4:30 ng madaling araw. Binubuksan ni Bunduquin ang kanyang grocery store sa Bgy. Lalud, Calapan City nang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang dumating. Bumaba ang angkas at binaril si Bunduquin at saka sila tumakas.

Hinabol sila ng anak ni Bunduquin gamit ang kotse. Nang abutan, binundol nito ang motorsiklo at tumilapon ang drayber at namatay noon din makaraang humampas sa railings. Tumakas ang angkas na nakilalang si Bautista.

Ayon sa report, nakalabas na ng Oriental Mindoro si Bautista. Ipinakalat na ang kanyang mga larawan upang mahuli. Kung nakalabas na sa probinsiya ang sinasabing gunman, nagpapakita lamang ito na mabagal nga ang pulisya. Dahil kaya kapwa pulis nila ang sangkot  sa kaso?

Si Bunduquin ang ikatlong mamamahayag na pinatay sa ilalim ng Marcos administration. Una ay ang radio broadcaster na si Rey Blanco ng Mabinay, Negros Oriental na pinagsasaksak noong Set. 18, 2022. Ikalawa ang veteran broadcaster na si Percy Lapid na binaril at napatay noong Okt. 3, 2022 sa BF Resort Village sa Talon Dos, Las Piñas. Hanggang ngayon, wala pang nakakamit na hustisya ang mga pinaslang na mamamahayag.

Umaasa ang mga mamamahayag sa pangakong proteksiyon na ipagkakaloob ng pamahalaan. Magkaroon sana ng katuparan ang pangako at magkaroon na rin ng katarungan ang mga pinaslang na mamamahayag. Pawiin ang taguri sa Pilipinas na isa sa mga bansang mapanganib sa mga mamamahayag.

CRESENCIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with