^

Punto Mo

EDITORYAL - Salain nang husto ang 4Ps beneficiaries

Pang-masa
EDITORYAL - Salain nang husto ang 4Ps beneficiaries

Mahigit 700,000 beneficiaries ng Pantawid Pa­milyang Pilipino Program (4Ps) ang nag-“graduate” na at awtomatikong hindi na kabilang sa tatanggap ng buwanang ayuda. Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian nasa 4.4 milyon ang pamilyang bene­pisyaryo ng 4Ps. Ang 4Ps ay may taunang budget na P200 bilyon. Nilinaw ng DSWD na ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay hindi kabilang sa bagong Food Stamp program.

Ang pag-graduate ng 700,000 beneficiaries ay nangangahulugan na makakagaan sa pasanin ng gobyerno. Nararapat pa ring tiyakin ng DSWD kung mayroon pang mga benepisyaryo na umaabuso. Hindi nirereport na “graduate” na sila at hindi na dapat tumanggap ng buwanang ayuda.

Sinabi naman si Gatchalian na bagama’t may mga benepisyaryo na hindi ginamit sa wasto ang pinagkaloob na ayudang pera ng pamahalaan, mayroon din namang ginamit para mapaunlad ang buhay. May mga anak ang benepisyaryo na nakatapos ng kolehiyo at mayroon pang nanguna sa board exams. Hindi naman lahat aniya ay sinayang ang tulong ng pamahalaan at mayroong nagsikap na umunlad.

Sinimulan ang 4Ps noong 2007 sa panahon ni President Gloria Macapagal-Arroyo na ang layunin ay mapabuti ang kalusugan, nutrisyon at makakamit ng edukasyon ang mahihirap na pamilya. Ang DSWD ang nangangasiwa sa pamamahagi ng 4Ps.

Ipinagpatuloy ito ng administrasyon ni dating President Benigno “Noynoy” Aquino at pinalakas pa sa panahon ni dating President Rodrigo Duterte kung saan ginawa nang batas (RA 11310) ang pagkakaloob ng ayuda sa mga pinakamahihirap na pamilya. Obligadong pagkalooban ng cash grant ang mga klasipikadong mahihirap na pinatunayan ng Philippine Statistics Authority.

Sa ilalim ng 4Ps program, tatanggap ang mga sumusunod ng: P300 bawat anak o bata buwan-buwan na nakaenrol sa day care at elementary programs sa loob ng 10 buwan bawat taon; P500 sa bawat anak buwan-buwan na nakaenrol sa junior high school sa loob ng 10 buwan; P700 sa bawat anak buwan-buwan na naka-enroll sa senior high school sa loob ng 10 buwan; at P750 para sa health and nutrition bawat buwan sa loob ng isang taon.

Noong nakaraang taon, ipinag-utos ni President Bongbong Marcos kay dating DSWD Sec. Erwin Tulfo na linisin ang listahan ng 4Ps beneficiaries. May mga report na inaabuso ang 4Ps. Kahit nakatapos na nag-graduate na, patuloy pa ring tumatanggap at hindi nirereport ang kanilang totoong sitwasyon. Natuklasan na mahigit 1-milyon ang nagsasamantala sa programa.

Nararapat na salain o linisin pa ang listahan ng 4Ps beneficiaries upang makatiyak na walang umaabuso. Sikaping ang pagkakalooban ay dukha at walang-wala.

4PS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with