Napapanahon at kinakailangan na talagang magpatupad ng Early Childhood Care and Development (EECD) program ang bawat lokal na pamahalaan. Naturalmente, mahalaga na magkaroon ng EECD program dahil ito ay makakatulong upang magkaroon ng matibay na pundayon ang mga kabataang Pinoy bago pa man sila pumasok sa paaralan. Kailangan pa bang i-memorize upang mapagtagumpayan ng mga kabataan sa hamong kakaharapin sa larangan ng edukasyon, dapat maging handa sila? Mismooooo!
Kaya hindi na nakakagulat kung bakit hinihikayat ng Philippine Business for Education (PBEd) ang mga local na pamahalaan na maglagak ng pondo para sa pagpapatupad ng programa ukol sa EECD upang maiangat ang kakayahan ng mga kabataang Pinoy sa kanilang pag-aaral. Gets nyo na mga kosa? Ang EECD ang magiging daan patungo sa pagpapatibay ng “foundational skills” tulad ng pagbabasa, pagsulat at arithmetic ng mga kabataan. Ayon sa PBEd, napakahalaga na maiangat ang kakayanan ng mga Pinoy habang sila ay mga bata dahil ito ang kanilang magiging pundasyon patungo sa magandang kinabukasan. Eh di wow!
“It is critical that we build basic skills while they are young as these will make them better learners. The skills acquired by our learners during the early years will help shape their future,” ayon kay PBEd Executive Director Justine Raagas “The success of many of our education programs, such as K-12, can only happen if we give our children the best start,” ang dagdag pa ni Raagas. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Nakakapanlumong malaman na ang Pinas ang ikalawa, hindi sa kagalingan mga kosa, kundi sa maituturing na pinaka “worst” sa lahat ng bansa sa Southeast Asia pagdating sa pagbabasa at kakayanan sa matematika ng mga mag-aaral sa Grade 5. Ito ay base sa datos ng 2019 Southeast Asia Primary Learning Metrics. Arayyyyy ko po.
Dati ng binigyan diin ng Unicef na ang EECD ang maghahanda sa kabataan sa pagpasok sa primary education. Ito rin ang makakapigil sa maaring pagbagsak sa paaralan. “It is also at these stages when children are developing strong social and emotional skills that eventually contribute to their soft skills which are needed in the workplace,” paliwanag ni Raagas. Mismooooo! Get’s n’yo mga kosa?
Kamakailan ang matagumpay na naisakatuparan ng PBEd ang Kiddie Learning Train (KLT) program na nagpatunay ng kahalagan ng ECCD. Halos isang libong “under performing” na magaaral mu;a sa Cebu ang nabigyan ng tablet at volunteer tutors. Matapos maisalalim sa KLT ay umangat ang grado ng mga bata sa Math at reading. Wow! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
“We’ve seen in the program’s implementation the benefits of having tutors or para-teachers in bolstering performance of learners while alleviating the workload of teachers. We hope to institutionalize the KLT program and encourage other LGUs to champion learning remediation initiatives for child care such as this in their communities,” Raagas said. Kaya nais ng PBEd na ma-instutionalize ang KLT.
Abangan!