MARAMING natuwa sa pagkakaroon natin ng kaalyado sa pakikipagtuos sa China upang mabawi ang mga isla na kinakamkam nila. Halata naman na interesado lang ang mga “ayudante kuno” sa yaman ng ating karagatan at magbenta ng armas pandigma. Two birds in one shot di ba?
Nasa pagitan ng Pilipinas at Taiwan ang entrada ng karagatan na naghahatid-sundo ng kalakalan sa Indonesia, Malaysia, Vietnam at Brunei.
Apektado ang mga bansa sa Europa at U.S. kapag nagkaisa ng totohanan ang Southeast Asian Countries kaya “nang-uurot” at nagpapakitang gilas ang mga ito para may intrigang mabuo. Ha-ha-ha!
Kung magkakaisa at isasakatuparan ng Asian countries ang Asean Free Trade Agreement (AFTA), kaya nating mabuhay nang sagana. Ito ang kinainggitan ng mga naghaharing emperyo sa mundo.
Hindi likas sa mga bansa sa Asya ang manakop sa mga kapit-bansa nito, bagkus ay may friendly competition sa pakikipagkalakalan na nagsusulong nang maayos na daloy ng ekonomiya.
Mayaman sa kalikasan ang mga bansa sa Asya. May sapat din tayong imbak na mina ng enerhiya sa karagatan at lupain na ang kailangan ay sapat na teknolohiya lamang upang pakinabangan. Magkaisa lang tayo nganga sila!
Walang nagwawagi sa giyera maliban sa nagpapasimuno nito na pinagkakakitaan pa ng limpak-limpak na salapi. Ano sa pakiramdam n’yo?