^

Punto Mo

EDITORYAL - Tiyakin ng DSWD na walang ­maaagrabyado sa food stamp

Pang-masa
EDITORYAL - Tiyakin ng DSWD na walang ­maaagrabyado sa food stamp

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang implementasyon ng food stamp program. Ayon sa DSWD, bawat mahihirap na pamilya ay makakatanggap ng food credits na nagkakahalaga ng P3,000 at ito ay ipapalit nila sa mga tindahan o outlet na accredited ng DSWD. Ipapakita lamang ang food stamp at mabibigyan na ng pagkain. Magsisimula umano ito sa Hulyo.

Sinisiguro ng DSWD na maraming mahirap na pamilya ang makikinabang sa programa. Mala­king tulong ang P3,000 na pambili ng pagkain. Ang maganda ay hindi pera ang hahawakan ng mga benepisyaryo para ipambili ng pagkain. Malaking problema kung pera dahil sa halip na ibili ng pagkain ay baka ipangsugal o ibili ng alak.

Ngayong food stamp na ang sistema, nakasisigurong pagkain talaga ang iuuwi sa pamilya. Maraming miyembro ng pamilya ang mabubusog sa halagang P3,000.

Sabi ni President Ferdinand Marcos Jr. ang implementasyon ng “food stamps” ay malaking tulong para sa mga mahihirap na Pilipino. Ang programang ito ay naging epektibo umano sa ibang bansa. Ayon sa report, ang programa ay suportado ng Asian Development Bank (ADB) at nagbigay na ito ng $3 mil­yon para sa anim na buwang pilot run ng programa. Tinitiyak na magiging matagumpay ang food stamp program sapagkat tiniyak ng ADB ang suporta hindi lamang para sa pagkain kundi sa iba pang programa.

Mahalaga ang food stamp program lalo pa’t sa panahong ito ay marami pa ring Pinoy ang naghihirap dahil sa paglaganap ng pandemya. Maraming nawalan ng trabaho at ang iba ay walang pinagkakakitaan.

Sa pag-arangkada ng food stamp program, tiyakin sana ng DSWD na lahat mabibigyan o mapagkakalooban. Sa nakaraang Duterte administration nagkaroon ng anomalya sa pagbibigay ng ayuda. Maraming barangay officials ang binabawasan ang perang ayuda. Marami rin ang nagreklamo na hindi sila nakatanggap. Natuklasang mga kaanak, kasambahay at kaibigan ng barangay officials ang nasa listahan at inuna silang bigyan.

Hindi sana ito maulit sa food stamp program ng kasalukuyang administrasyon. Tiyakin na walang maaagrabyado at maiiwanan.

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with