50 habits na ­magpapahaba ng buhay

Base sa pag-aaral ng mga siyentipiko, ang mga sumusunod na habits ay malaki ang maitutulong upang madagdagan ang ilalagi rito sa mundo:

1. Regular na pagja-jogging.

2. Dalasan ang pagkain ng plant-based protein (mani, green peas, patatas, spinach, etc.) kaysa meat protein.

3. Magpaaraw ng 15 to 30 minutes sa umaga.

4. Uminom ng kape isang beses araw-araw. Pinipigilan ng kape ang pagkakaroon ng type 2 diabetes, sakit sa puso at dementia.

5. Kumain ng iba’t ibang nuts lalo na ang walnuts.

6. Maghalo ng turmeric at cinnamon sa inyong lutuin.

7. Huwag manigarilyo.

8. Uminom ng red wine. Isang baso sa babae, dalawa sa lalaki per day.

9. Kumain ng sili.

10. Iwasang magpaka-stress.

11. Mag-strength training 2 beses per week. Ito yung exercise na nagbubuhat ng dumbbells.

12. Mas damihan ang kain ng prutas at gulay.

13. Maging mapagbigay, matulungin at mabait sa kapamilya at ibang tao.

14. Laging kumain ng isda.

15. Matulog ng anim hanggang walong oras.

16. Panatilihing masaya lagi ang kalooban. Ang masayahing tao ay nanatiling young at heart.

17. Huwag manatiling nakaupo maghapon. Tumayo at maglakad-lakad ng ilang minuto.

18. Kung available, kumain ng berries dahil mayaman ito sa antioxidants.

19. Panatilihing aktibo ang utak. Isang paraan ay magsagot ng crossword puzzle.

20. Laging kumunekta sa mga kaibigan.

21. Gayahin ang Japanese sa kanilang inuugali sa pagkain: Bago mabundat ang tiyan, umaayaw na sila sa pagkain. Ang tawag sa tradisyon na ito ay  “hara hachi bu”.Epektibo ito dahil sila ang may highest life expectancy sa buong mundo.

(Itutuloy)

Show comments