Health tips  

Ang benepisyo ng paglalakad

• 75 minutong paglalakad per week ay magdadagdag ng dalawang taon sa iyong buhay.

• 40 minutong paglalakad, tatlong beses per week ay magpapaunlad ng iyong memory.

• 30 minutong paglalakad per day ay makakapagpababa ng tsansang kapitan ka ng depresyon.

• Isang oras na paglalakad per day ay magpapababa ng tsansang maging “obese”.

Kung kakain ka ng dalawang pirasong saging per day sa loob ng isang buwan:

• Mayaman ang saging sa iron kaya panlunas ito sa anemia.

• Mayroon itong natural sugars: sucrose, fructose at glucose kaya magdudulot ito sa katawan ng instant energy.

• Mayaman ito sa potassium na nagpapaunlad ng brain functions: nagiging alert ang iyong pag-iisip.

• Mayroon itong amino acid na nagiging sanhi ng serotonin production. Serotonin ang nagdudulot sa atin ng nararamdaman nating kaligayahan.

• Ang minasang saging ay mainam ng panlunas sa mga batang may dysentery.

• Ang banana honey milkshake ay magandang pangtanggal ng hangover. Nakakatanggal ng sakit ng tiyan at nakaka-rehydrates ng katawan.

• Ang potassium at magnesium na nakukuha sa saging ay nagtatanggal ng nicotine sa katawan ng mga humihinto sa paninigarilyo.

Show comments